Suggest naman kayo ng pwedeng pang-introduction sa bawat chapter :)
Twitter: @ironiccole
Copyright © 2015 by Patrishia
ALL RIGHTS RESERVED. No parts of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage or retrieval systerm, without the written permission of the author, except where permitted by law.
-
RAIN
(A/n: Fast forward na po tayo ah?)
Simula nung pasukan, naging sobrang close na namin ni Cloud. Kasi sila ng mga tropa ko ay close na din. Naalala ko pa nung tinanong ko siya tungkol sa totoo niyang pangalan.
*flashback*
Andito ako ngayon sa tapat ng bahay nila Cloud. Ewan ko din kung ano ginagawa ko dito. Pero nag aalala kasi ako. Kasi 1 week na siyang di pumapasok eh.
*ding dong*
May lumabas na babae. Eto ata yung ate ni Cloud? "Ano yon?" Tanong niya. "Ah, andyan po ba si Cloud?" Tanong ko din. "Andon siya sa kwarto niya. May sakit kasi eh." Sagot naman nung ate niya. "Pwede ko po ba siyang makita?" Tanong ko naman. Bait ko eh noh. Tumango nalang yung ate niya bilang sagot at pinapasok na ako. Mayaman sila Cloud. Mahahalata mo agad sa bahay nila. Ang laki eh!
"Akyat ka nalang sa second floor. Tapos yung may pink na pintuan, yun yung kwarto ni Cloud." Ngumiti nalang ako sa ate niya at umakyat na.
Nung nasa second floor na ako, nahanap ko agad yung pink na pinto. At may nakasulat pa na "Ordinary persons are not allowed." Buti nalang alien ako. Gwapong alien. "Knock knock." Sabi ko. Pero walang sumagot kaya kumatok nako ng totoo. HAHAHAHA.
"Sino yan?" Tanong ni Cloud. May sakit nga to. "Ang pinakagwapo mong kaibigan." Sagot ko naman. Maya maya ay may narinig akong mga yapak at nagbukas na ang pinto. Malaki ang kwarto ni Cloud. Kulay skyblue ang dingding at may CLOUD na nakalagay sa pinakagitna ng kama niya. "Kamusta ka naman?" Tanong ko sakanya. "Ayos lang. Ano ginagawa mo dito?" Tanong din niya. "Ah, makiki-ihi lang sana ako." Sabi ko. Napatingin naman siya sakin at agad na napairap. Natawa na lang ako. "Ang epal mo, Ulan." Sabi naman niya. "Sayo lang ako epal, Ulap." Sabi ko naman sabay kindat. Natawa naman siya at nahiga na sa kama niya. "Wala kang magagawa dito sa kwarto ko. Kung gusto mo magbasa ka nalang o manood." Sabi niya. "Pwede ba magtour dito sa kwarto mo?" Tanong ko. "Buti pinapasok ka ni ate?" Tanong din niya habang papatayo sa kama. "Oo naman. Sa gwapo kong to? Oh teka, san ka ba pupunta?" Tanong ko habang inaalalayan siya patayo. Sinenyasan niya lang ako na sumunod sakanya kaya sumunod ako.
Ah, itutour niya ako dito sa kwarto niya. Ayos! Hahahaha! Una kaming nagpunta sa may pinto. "Welcome to my room, ordinary person." Sabi niya sabay ngiti. "Wow may introduction pa." Sabi ko ng natatawa. Tumawa din siya at pumasok na ulit kami sa kwarto niya. "Siguro nagtataka ka kung bat may ganon sa may pinto ko? Ayoko kasi ng may ibang nakakaalam sa kung anong meron ako dito. Kaya pinagsisikapan ko talagang linisin to." Sabi niya habang naglalakad papunta sa isang shelf na puno ng libro. Mali mali, isang cabinet na puno ng libro. "This is my mini library, ordinary person. Andyan lahat ng favorite books ko." Wow. Yan lang ang masasabi ko. "Nabasa mo na lahat yan?" Tanong ko. Umiling naman siya. "Not yet. Wala na kasi akong oras para sakanila." Sagot pa niya. Tumango naman ako. Napunta ang tingin ko sa isang scrapbook at agad kong kinuha ito. Puno ng pictures ng isang babae. Cloudesca Villacillo. "Ikaw ba to?" Tanong ko sakanya. Napatingin naman siya saakin at napangiti. "Andyan pa pala yan." Sabi niya at umupo sa tabi ko.
May kung ano akong naramdaman pero binalewala ko nalang yon.
"Bat ayaw mong ipaalam kung ano talaga totoong pangalan mo?" Tanong ko. Napabuntong hininga naman siya. "Sobrang daming nangyari nung gamit ko pa ang pangalan na yan." Sabi niya habang nagtitingin ng mga pictures. Natahimik naman ako. "May mga good memories dahil sa pangalan na yan. Pero mas madami ang bad memories." Sabi niya sabay tawa ng mahina. Agad siyang napatingin sakin nang mapansin niyang tahimik ako. "Ang tahimik mo ah." Sabay tawa. "Ang gwapo ko lang." Agad naman siyang napatigil at napairap nalang. Hahahaha.
*eof*
Hindi na muna ako nagtanong ulit tungkol sa pangalan niya. Kasi halata naman non na ayaw pa niyang pag usapan.
"You're spacing out again, Mister Rain." Sabi ni Cloud. "Sorry na. Iniisip kasi kita." Sabi ko sabay ngisi sakanya. "How funny." Sabi niya sabay irap saakin. Natawa nalang ako sa ginawa niya.
Pero seryoso Cloud, iniisip kita.
