May on-going storyyy na ako sa library ko. Hahahaha new story yayyy! Ipopost ko siya kapag tapos na to :)))
Ahe baka last chapter na to or may epilogue pa ganems oh bongga lt bye
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CLOUD
Andito kami ngayon sa airport at hinihintay namin si Lava. Yeah, hindi ako si Lava. Kakambal ko si Lava. Kaya talagang nagulat ako nung sumugod si Rain kahapon at alam yon kasi kakakilala palang naman namin nung isang araw.
Yun naman kasi dapat yung ipapaliwanag ko eh. Na hindi ako si Lava.
"Ma! Cloud!" Dinig kong sumigaw. Agad kaming napalingon sa tumawag saamin at nakitang si Lava na iyon. "Lava!" Sigaw ni Mama sabay yakap sa kakambal ko. "Hi Cloud!" Sabi ni Lava sabay sakap saakin. Niyakap ko din siya pabalik. "Namiss kita!" Sigaw niya saakin. "Hahahaha namiss din kita!" Sabi ko sabay ngiti sakanya. "Sa bahay niyo na ituloy yan. Tara na!" Aya ni Mama saamin. Tumango naman kami at nagtungo na sa sasakyan.
"Uhm Cloud?" Tawag ni Lava saakin. "Bakit?" Tanong ko sakanya. "N-nakita mo na ba siya?" Tanong niya saakin. Agad naman akong napahinto. "O-oo. Pumunta nga sa bahay kahapon eh." Sagot ko. Nakita ko ang pagkabigla sa itsura niya. "Talaga? Ano nangyari?" Tanong niya. "Sa bahay ko nalang ikukwento." Tumango naman siya at nag iwas na ng tingin.
Nang makarating kami sa bahay, agad akong niyaya ni Lava sa kwarto ko. "Ma, dun lang kami ni Cloud sa kwarto ah?" Paalam niya kay Mama. Tumango naman si Mama at nagpunta na sa kusina. Kami naman ni Lava ay umakyat na sa kwarto ko. "So ano nangyari?" Pambungad na tanong niya. "Nagpunta siya dito kahapon. Galit na galit. Akala ako ikaw. Nagulat nga ako kung bat niya alam yon eh kakakilala palang namin nung isang araw." Sabi ko sakanya. "A-anong sabi niya?" Tanong niya ulit. Kinwento ko naman sakanya kung ano yung mga sinabi ni Rain. "Tapos sabi niya kalimutan ko na daw na magkaibigan kami. Kalimutan ko na din daw yung namamagitan saamin noon at kakalimutan na din daw niya ako." Sagot ko sakanya. Tumango naman siya. "Mahal mo pa ba siya?" Tanong ko. Agad siyang napatingin saakin. "Matapos niyang sabihin yon sayo? Hindi ko alam." Sagot naman niya. "Ha? Bat ibabase mo saakin?" Naguguluhang tanong ko. "Syempre mas importante ka pa din kasi kapatid kita. Sama ka nalang saakin sa States oh?" Malungkot na sabi niya. Agad naman akong napangiti at niyakap siya. "Thank you, Lava." Naiiyak na sabi ko. "Walang pwedeng gumanon sayo okay? Kahit pa akala nila ako ikaw." Sagot niya sabay yakap saakin pabalik.
------------------------------------------------------------------------------------------------
Short update ahe sorna
:)
