Espesyal na Kabanata

15 0 0
                                    

Rain and Cloud's SC.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PS. Short chapter lang po ang mga special chapters na gagawin ko. Kasi natatamad na ako ayaw na gumana ng utak ko lt

RAIN

"Ulan naman! Napakabagal mo kumilos!" Sigaw niya mula sa labas ng kwarto. "Oo na! Putek sandali!" Sigaw ko habang nagsusuot ng brief. Punyeta ang aga aga mambulabog ng babaeng to! "Ano bang ginagawa mo dyan?! Puta mamaya ka na magpasarap!" Sigaw niya sabay katok ng malakas sa pinto ko. "Gago! Sandali at nagsusuot ako ng short!" Sigaw ko din at sinuot na ang short at tshirt ko. Nagsuklay na ako at nagpabango. Binuksan ko na ang pinto at nakita ko siyang naka-halukipkip. "Ang tagal mo!!" Sigaw niya ulit. "Bat kasi ang aga mo?!" Sigaw ko din sakanya. "Eh gusto ko McDo!" Sigaw niya habang naglalakad kami pababa. "Edi pumunta ka mag isa mo!" Sigaw ko. Napatigil siya at napatingin saakin. "Ah ganon?!" Sigaw niya sabay irap at nauna ng maglakad. "Uy joke lang!" Sigaw ko sabay habol sakanya. "Babe sorry na!" Sigaw ko sabay yakap patalikod sakanya.

"Tigilan mo ako, Ulan." Masungit niyang sabi. "Sorry na nga eh." Sabi ko. "Lagi mo akong inaaway." Sagot niya sabay pout. "Hindi naman eh." Sagot ko sabay kagat sa taenga niya. "Aray! Pakyu ka talaga!" Sigaw niya sabay kurot saakin. "Hahahaha tara na sa McDo baka ako pa kainin mo." Tumakbo na agad ako dahil nakita kong aamba na siya para masapak ako.

Sumakay na ako sa may kotse at ganon din siya. "Ano kakainin mo?" Tanong ko sakanya pagkapark namin. "Pagkain malamang." Sagot niya sabay irap saakin. "Sungit mo ah." Sagot ko. "Tara na nagugutom na talaga ako." Sagot niya at nauna ng bumaba. Yung babaeng yon talaga! Sumunod na din ako at nakita ko siyang namimili ng oorderin. "Ano sayo?" Tanong niya. "Teka." Sagot ko habang tumitingin din. "Tagal oh." Sagot niya. "Teka lang naman ah." Natatawa kong sabi. "Ano ba masarap?" Dugtong ko pa. "Ikaw." Sagot naman niya. Tumawa naman ako. "Pancakes nalang sakin babe, sayo ba?" Tanong ko. "Ganon nalang din. Ikaw nalang maghanap ng upuan." Tumango naman ako at naghanap na ng upuan. Malapit lang naman sa may counter yung nahanap ko kaya makikita ko pa din siya.

Nakita kong umoorder na siya. Habang hinihintay yung order, lumapit siya saakin. "Hawakan mo nga." Sabi niya sabay abot ng cellphone niya. Agad akong nagpunta sa camera at tinignan ang sarili ko. Gwapo ko puta. Tinignan ko din ang music. Pati messages tinignan ko na. Sumilip ulit siya saakin at nilapitan ulit ako. "Wala kang makikita dyan." Sabay bumalik na ulit don.

Kinuha na niya yung tray at dinala na dito. Umorder din pala siya ng fries. Gusto ko din tuloy. "Penge ketchup babe." Sabi ko sabay ngiti sakanya. Binigyan naman niya ako at binuksan ko na. "Wooh parang regla lang ah." Agad siyang napatingin ng masama saakin kaya naman natawa ako. Nag umpisa na kaming kumain.

"Papansin yung mga tropa mo." Sabi niya saakin. "Bakit?" Natatawa kong tanong. "Palagi akong pinariringgan putek." Nakabusangot niyang sabi. "Hahahaha ganon lang talaga yon pero mabait yon." Sagot ko sakanya. Umirap naman siya at nagpatuloy sa pagkain. Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinignan ang COC ko. "Ay tangina inattack nanaman." Sabi ko. "Hoy yung bibig mo." Sagot naman ni Cloud. Agad naman akong napatingin sakanya at tumawa. "Eh inattack ako eh." Natatawa kong saad. "Kahit na." Sagot naman niya. Tumawa ulit ako at nagpatuloy.

Nang maayos ko na ang problema ko sa COC, nagscroll muna ako sa facebook ko. At may nakita akong post kaya binasa ko. "Pitumput pitong puting putangina mo malandi ka hayop ka." Basa ko sabay tawa. Agad namang napatingin ulit saakin si Cloud. "Yung bibig mo nga kasi!" Sagot niya habang nakatingin ng masama saakin. "Hala binabasa ko lang to." Natatawa kong sabi. Inirapan niya ulit ako at nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay nag aya na siyang umuwi dahil gusto niya daw mag movie marathon. Pumayag naman ako dahil gusto ko din naman hehehe.

Nang makarating kami sa bahay, pumunta agad kami sa kwarto ko at nakita ko siyang humiga agad sa kama ko. "Wow kama mo?" Natatawa kong tanong. "Ano daw bang pake mo" Masungit niyang sabi. Sweet talaga neto! Humiga ako sa tabi niya at agad siyang niyakap. "Huwag na tayong manood?" Malambing na tanong ko. "Hahahahaha" Hala? "Bat ka tumatawa?" Nakasimangot kong tanong. "Kinikilig ako." Sabi niya sabay takip ng unan sa mukha. Tumawa din ako at hinigpitan pa ang yakap sakanya.

"Thank you." Sabi ko. Agad siyang napatingin saakin. "Thank you din." Nakangiti niyang tugon. Nginitian ko din siya.

Matapos yung scenario sa dagat na yon, muli kaming nagkita ni Cloud. Wala ni isa saamin ang nag-expect non. Nagkatinginan nalang kami nung araw na yon at nagkangitian. Siguro pareho kami ng iniisip.

"Ano iniisip mo?" Tanong nitong katabi ko. "Ikaw." Sagot ko naman. Agad niyang pinitik ang ilong ko at tumayo. "Uwi na ako. May pupuntahan pa kami ni Lava eh." Saad niya. "Ingat ka! Papakasalan pa kita!" Sabi ko sabay kindat sakanya. Tumawa naman siya at lumabas na sa kwarto ko.

Yung mga nangyari noon? Nagsilbing aral yon saakin. Saamin. Dami kong natutunan dahil sa panaginip ko na yon. Na dapat bago mo pairalin yung galit mo, hintayin mo muna yung paliwanag ng isang tao. Kasi kung uunahin mo yung galit mo, walang mangyayari sainyo. Mabubuhay kayo pareho nang may galit sa puso.

Yung nangyari saamin ni Cloud? Pagsubok lang yon. At alam kong madami pang dadating na pagsubok.

Pero hangga't kasama ko siya, hinding hindi ako susuko. Dahil tong pagmamahalan namin ang panghahawakan ko para lumaban. Wala eh, mahal ko siya eh.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Alam kong walang kwenta so wag ng kumontra please HAHAHAHA bye

The Rain and The CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon