be·tray \bi-ˈtrā, bē-\
: to give information about (a person, group, country, etc.) to an enemy
: to hurt (someone who trusts you, such as a friend or relative) by not giving help or by doing something morally wrong
: to show (something, such as a feeling or desire) without wanting or trying to----------------------------------------------------------------------------------------
RAIN
Linggo ngayon. At ngayon ko balak ibalik yung panyo ni Cloud. Pero aayain ko muna siya magsimba. Maitext na nga.
*text conversation*
Rain: Morning miss
Rain: *misis pala ;)
Cloud: Ha morning :p
Rain: Tara simba?
Cloud: Baka masunog ka :(
Rain: Baka naman Cloud ._.
Cloud: Hahahaha sige
Rain: Ge puntahan nalang kita mamayang 8 :)
Cloud: Okay
Di ko na siya nireplyan at nagpunta na sa CR para maligo. Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako para kumain ng agahan. "Oh san punta mo?" Tanong ni Mama saakin. "Magsisimba kami ni Cloud, Ma." Sagot ko naman sakanya. Tumango nalang siya at nagpatuloy naman ako sa pagkain.
Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush na muna ako at pumunta na kila Cloud. Tinext ko nalang siya na andito na ako sa tapat ng bahay nila kasi nahihiya ako sa Mama niya. Baka mamaya galit din saakin eh. Maya maya ay nakita ko siyang lumabas na kaya pumasok na ako sa loob ng kotse. "Saan ba tayo magsisimba?" Tanong niya. "Sa simbahan syempre." Pambabara ko naman. "Nye nye" Sagot niya sabay irap. Natawa naman ako sa ginawa niya.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa simbahan. Naghanap muna kami ng parking at pumasok na sa loob. Agad naman kaming nakahanap ng bakanteng upuan. Nang makaupo na kami, kakilala ata ni Cloud yung nakatabi niya dahil nagyakapan sila.
"OMG Lava!" Sigaw nung babae. Lava?
CLOUD
"OMG Lava!" Sigaw nung katabi ko sabay yakap saakin. Shit kasama ko si Rain ngayon. Hindi pa to ang tamang oras.
"U-uy!" Nauutal kong sabi sabay yakap sakanya pabalik. "Kamusta ka na?" Tanong niya saakin. "Okay naman. Ikaw?" Tanong ko din sakanya. "Okay lang din. Sino siya? Teka, kamukha niya si Xander ah!" Bulong niya saakin. Agad naman akong napatingin kay Rain na seryosong nakatingin sa harap. "H-ha? Hindi siya yan ano ba." Nauutal kong sabi sakanya. Kinakabahan ako putek. "Weh? Baka naman siya yan!" Sabi niya sabay tingin ulit kay Rain. "Mamaya na tayo mag usap." Saad ko sakanya. Tumango naman siya at nakinig na kami sa misa.
Nang matapos ang misa'y naglakad na kaming tatlo sa labas. "Pakilala mo ngarod ako sakanya." Sabi ni Ayumi. Siya si Ayumi. Kaibigan ko nung nasa States pa kami. "Rain, si Ayumi. Kaibigan ko." Pakilala ko sakanya. "Hi! Parang pamilyar ka sakin?" Sabi ni Rain sakanya. "Hello! Talaga? Ikaw din eh." Sagot naman ni Ayumi. "A-ah teka. CR lang kami Rain ah? Dyan ka lang." Sabi ko sabay hila kay Ayumi.
Nang makarating kami sa CR, agad ko namang kinausap si Ayumi. "Oh bakit?" Nagtataka niyang tanong. "Huwag mong itawag yon saakin please." Sabi ko sakanya. "Bat naman? Eh diba yun naman pangalan mo?" Nagtataka niyang tanong. "Hindi na." Sagot ko sakanya. "Teka nga. Ano ba nangyayari talaga?" Tanong niya pa. "Mamaya ko na sasabihin. Basta wag mo kong tawaging ganon." Agad naman siyang tumango at lumabas na kami.
Pero wala na si Rain. Saan naman nagpunta yung lalaki na yon?
RAIN
May iba akong nararamdaman ah. Kanina lang, tinawang niyang Lava si Cloud. Tapos yung Ayumi, parang pamilyar saakin. Parang nakita ko na siya pero hindi ko alam kung saan. Sa sobrang pag iisip ko, naisip ko na magpahangin muna at hayaan na magbonding yung dalawa.
Pumunta ako dito sa may restaurant na malapit sa simbahan. Kinapa ko ang bulsa ko para makakuha ng pera pero bigla kong nakuha yung panyo ni Cloud.
CLV? Eh diba Cloudesca Secret Villacillo si Cloud? Eh ano yung L?
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Walang forever hehehehehe
