A/n: Ha joke lang tong author's note. Wala talaga akong sasabihin. HAHAHAHA
------------------------------------------------------------------------------------------------
CLOUD
"Ano na yung dare?" Tanong ni Trans saamin. "Ako may dare ako!" Sigaw ni Jakob sakanya. "Gago! Si Tris lang magdedare saakin." Sagot naman ni Trans. "La ka dulot pakyu." Sagot din ni Jakob sakanya. "Ang dare ko ay magdedare kaming lahat sayo." Aba magaling, Tris! Very gooden! "Yon! Salamat tol!" Sigaw ni Jakob sakanya. "Puta pakyu kayong lahat." Sabi ni Trans sa kanila. "Ako muna!" Sigaw ni Jakob. "Magsuot ka ng panty bukas." Dugtong pa niya. "PUTA SERYOSO KA BA!?" Sigaw ni Trans. "Oo naman. Kung gusto mo tibak nalang?" Mapang asar na tanong ni Jakob. "Tangina panty lang sapat na." Nakabusangot na sabi ni Trans. "Libre mo kami sa Krispy Kreme mamaya." Dare ni Aki sakanya. "Mukha ka talaga pagkain." Sabi tuloy ni Trans. "Wow hiyang hiya ako sa timawa." Natatawang sagot ni Aki. Napairap nalang si Trans. Bakla talaga to. "Ang dare ko ay magpanggap kang nililigawan mo si Cloud." Sabi ni Tris. Puta kadali naman nung- TEKA ANO DAW?! "ANO?!" Sabay na sigaw namin ni Trans. "Uulitin ko pa ba?" Masungit na sabi ni Tris. "Para saan ba?" Tanong ko.
"Para may magising." Anong may magising? Kagulo naman neto! ._.
RAIN
Nagulat nalang ako nung biglang bumaba si Cloud sa kotse ko kanina. Tatanungin ko na nga lang siya mamaya. Andito ako ngayon sa canteen at kasama ko si Koru. Nakaupo lang kami dito at kumakain kami ng breakfast.
"Bakit kasi di ka nag breakfast?" Tanong ko sakanya. "Eh gusto nga kasi kitang makita agad." Sagot niya habang naka-pout. "Sus. Alam kong gwapo ako pero dapat unahin mo yung breakfast bago ako." Sagot ko naman. "Eh makita palang kasi kita busog na ako." Sagot naman niya. Napatawa nalang ako. Ewan ko ba kung pano nangyari to, pero nagising nalang ako isang araw tas bigla kong naisip na may gusto ako sakanya.
Makalipas ang ilang sandali, natapos na din kaming kumain. Napagpasyahan naming pumunta muna sa garden ng school para magpahangin saglit.
Nang kami'y makarating doon, naghanap kami ng bench na pwedeng maupuan. Agad naman kaming naupo nung may nakita na kami. "Nasabi mo na ba kay Cloud?" Tanong ni Koru saakin. "Dapat sasabihin ko na sakanya kanina pero bigla naman bumaba." Sagot ko naman sakanya. "Kwento ka naman." Sabi niya saakin. "Ha? Ano kukwento ko?" Tanong ko. "Uhm kahit ano." Sagot naman niya. "Magtanong ka nalang tapos sasagutin ko." Saad ko sakanya. Tumango naman siya. "Ilan na naging girlfriend mo?" Tanong niya saakin. Agad naman akong napatigil.
"Sige okay lang. Huwag mo ng sagutin." Dugtong pa niya. Napailing naman ako. "Okay lang. Nabigla lang ako." Sagot ko sakanya. "Actually, isa palang naging girlfriend ko. Siguro last year pa yon nung andon pa kami sa U.S." Sagot ko pa. "Ano nangyari? Bat kayo naghiwalay?" Tanong niya. "Nalaman ko kasi non na may iba siyang boyfriend. May nakahuli daw kasi sakanya na nasa mall siya tapos may kasamang lalaki." Sagot ko ulit. "Sino nakipaghiwalay?" Tanong niya ulit. "Ha? Ano.. Wala. Di kami naghiwalay. Basta matapos kong malaman yon, gusto ko na agad umalis don. Pero huwag ka mag alala, kasi para sakin matagal na kaming wala." Saad ko sakanya. "Ano pangalan niya?" Tanong niya ulit. Ngumiti nalang ako. "Hayaan mo na yon. Tara na sa taas." Sabi ko nalang at tumango nalang siya.
Nagtungo na kami sa classroom at naabutan ko ang tropa ko kasama si Cloud na nakaupo sa sahig habang nagtatawanan. "Sige na. Dun ka muna sa tropa mo." Sabi ni Koru saakin. Tumango naman ako at nginitian siya.
"Uy Ulan!" Bati ni Trans saakin. Tumango naman ako at nakipag-apir sakanila. "Wow naman lover boy na ulit!" Sigaw ni Tris. Agad naman akong napailing sa kalokohan niya. "Ha? Lover boy?" Nagtatakang tanong ni Cloud. "Oo Cloud! Nililigawan na niya si Koru!" Sigaw pa ni Tris. "Ah. Haha." Tipid na sagot ni Cloud.
Kasaya saya lang neto kanina tas biglang ganito?
Maya maya ay nagbell na at pumunta na kami sa kanya kanya naming upuan. Katabi ko si Cloud at dumukdok nalang siya bigla.
"Cloud." Tawag ko sakanya. Umayos naman siya ng upo at tumingin saakin. "Bakit?" Tanong niya. "Okay ka lang ba?" Tanong ko din. "Oo naman." Sagot niya sabay ngiti. May sasabihin pa sana ako pero dumating na ang teacher namin.
***
Makalipas ang dalawang subject, recess na namin. Kasabay ko mga tropa ko at si Cloud. Andito na kami ngayon sa canteen. "Cloud, ano sayo?" Tanong ko sakanya. "Tubig lang tsaka carbonara." Sagot naman niya. Tumango nalang ako at pumila na para makabili ng pagkain.
"Ate, dalawa pong tubig. Tapos isang carbonara tsaka isang hamburger." Sabi ko sa tindera sabay abot ng 50 pesos. "Etu na puh." Sagot nung tindera. "Salamat po." Sagot ko din sabay lagay ng mga pinabili ko sa tray. Naglakad na ako pabalik sa upuan namin at agad na tumabi kay Cloud.
"Ulap oh." Sabi ko sabay abot sakanya ng pagkain niya. Agad naman niya itong kinain. "Hoy magdahan dahan ka nga." Sabi ko sabay punas sa may gilid ng labi niya. "Eh sha gutom nga ako eh!" Sabi niya habang may mga carbonara sa bibig. "Putek iayos mo kumain Cloud ha." Sabi ko sakanya. "Opo tay." Sagot niya sabay irap. "Di mo ko tatay. Asawa pwede pa." Sagot ko din sabay kindat sakanya. "Baka naman." Sabi niya sabay irap ulit saakin.
"Huwag kayo dito maglandian." Biglang singit ni Trans. "Oddie Wao." Sagot naman ni Cloud sakanya. "Kunwari ka pa, Cloud." Sagot din ni Tris. "Tangina manahimik kayong lahat." Sabi ni Cloud sa kanila. "Kilig ka ba babe?" Tanong ko sakanya. "Baka kinilig." Sagot niya saakin. Tumawa naman ako sa sagot niya. "Sus. Pakipot ka pa eh." Sabi ko. "Huwag moko landiin." Sabi niya sabay irap. "Alam mo bang kanina pa nakatingin sainyo si Koru?" Singit ni Aki sa usapan. Agad naman akong napatingin kay Koru. Mukhang maiiyak na siya. "Teka mga tol. Puntahan ko lang siya." Paalam ko sakanila. Tumayo na ako at lumalit kay Koru.
"Okay ka lang?" Tanong ko pagkalapit ko sakanya. "Ano ginagawa mo dito?" Tanong din niya saakin. "Huwag ka na magselos." Sagot ko sakanya. "Hindi. Tuloy niyo lang lambingan niyo." Madiin niyang sagot. "Sorry na. Ikaw lang naman eh." Sabi ko sabay yakap sakanya. "Talaga? Kahit pa bumalik yung ex mo sa U.S.?" Tanong niya saakin.
"Kahit pa bumalik siya." Sagot ko sabay ngiti ng peke sakanya.
