Malapit naaaa. Hihi ;)
-
CLOUD
Pagkatapos ng 'sigawan scene' namin ni Rain ay umuwi na ako. Di na ako pumasok nung hapon dahil walang wala talaga ako sa mood. Mabuti nalang at wala sila Mama at ate dito kasi kung hindi, magtataka yung mga yon kung bat umiiyak ako. Umiiyak ka nanaman, Cloud. Natawa nalang ako sa naisip ko. Hanggang kelan nalang ba ganito? Umakyat na ako sa kwarto ko pero bago yon ay sinigurado kong nilock ko ang gate at ang front door. Humiga nalang ako at nagpunas ng luha. Ngayon nalang ulit ako umiyak ng ganito.
*kring kring*
Napatingin ako sa tumatawag at nakita kong si Papa pa iyon.
Papa: Hello?
Me: Hi Pa! I miss you!
Papa: I missed you too, princess! Kamusta ka naman dyan?
Me: Okay naman po! Kelan ka uuwi dito?
Papa: Baka this week. Princess, may sasabihin ako sayo pero wag ka mabibigla ah?
Me: Sure pa. Ano po ba yon?
Papa: Pupunta na kayo bukas dito sa States. Late ka nalang makakapag exam. Nakausap naman na ni Mama mo yung principal at pumayag naman siya.
Me: Sige po. See you tomorrow, pa! I love you!
Papa: Mag iingat ka princess. I love you too!
*call ended*
Pupunta na pala kaming States bukas. Two weeks lang naman. Mabilis lang ang two weeks. Napapikit nalang ako at di namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako na may tumatawag nanaman saakin. Di na ako nag abala na tignan kung sino yon at agad kong sinagot.
Me: Hello?
Rain: Cloud?
Me: Bye
Pinatay ko agad yung tawag nang marinig ko ang boses niya. Huwag ngayon. Bumangon na ako at nag umpisa ng mag empake. Tinext kasi sakin ni Mama kung ano oras flight namin bukas.
From: Mama
Mag empake ka na, Cloud. 3pm ang flight natin bukas. Huwag mo dalin yang buong damitan mo dahil may mga damit ka pa doon ha?Hahahaha natawa nalang ako sa text ni Mama na yan. Habang nag-iimpake, may narinig ako na nagddoorbell kaya tinignan ko na muna kung sino. Pagtingin ko, nakita kong si Jakob pala yon. Lumabas naman ako para kausapin siya. "Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko habang binubuksan ang gate. "Nalaman ko yung nangyari sainyo ni Rain." Sagot naman niya. Naupo muna kami sa upuan dito sa garden. "Bakit?" Tanong ko. "Ano ba kasi ang problema, Cloud?" Tanong niya din. "Wala. Hayaan mo na yon." Ayoko sabihin sakanya kasi alam kong sasabihin niya yon kay Rain. "Tungkol ba to kay Rain?" Tanong niya. "Hindi." Okay, ayoko lang talagang pag usapan pa. "Okay, naiintindihan kong ayaw mong sabihin. Pero tandaan mo na kapag kailangan mo ng makakausap, andito lang ako ha?" Sabi niya. Napangiti naman ako at nagpasalamat sakanya. Di nagtagal ay nagpaalam na din siya na uuwi na siya. Kaya bumalik na ako sa kwarto ko at tinuloy ang pag iimpake.
RAIN
"Wala tol. Ayaw sabihin eh." Sabi ni Jakob sabay salampak sa sofa. Ayaw daw sabihin ni Cloud kung ano yung problema. Nag aalala na ako kasi nung tinawagan ko siya kanina ay agad din niya binaba. "Pero aalis ata siya." Tuloy ni Jakob. "Saan siya pupunta?" Gulat na tanong ko. "Ewan ko. Sabi niya kasi kanina na mag iimpake pa daw siya." Napatango naman ako. Saan naman kaya siya pupunta? Maitext nga!
To: Cloud
Cloud, saan ka pupunta?From: Cloud
Dyan sa tabi tabi.Hindi ko alam kung ano ang problema, pero parang may koneksyon saakin yung problema na iyon. Kasi di naman siya magagalit ng ganito saakin kung hindi ako yung problema niya diba? Kakausapin ko nalang siya bukas.
Kinabukasan.
Goodmorning! Nakatanggap ako ng text mula kay Koru.
From: Koru
Goodmorning crush :"> Don't forget to eat your almusal okay? I'll see you later. I crush you <3To: Koru
Goodmorning :))) Same to you! ;)Napangiti nalang ako. Ewan ko pero sa isang iglap ay naging ganito ako sakanya. Bumangon na ako at gumayak na. Pagkatapos ay bumaba na ako para makapag almusal na. "Goodmorning!" Masaya kong bati sa nanay ko. "Goodmorning! Umalis ata yung nililigawan mo anak?" Sabi ni Mama saakin. "Sinong nililigawan?" Nagtataka kong tanong. "Yung kapitbahay natin. Di ba nililigawab mo yon?" Tanong niya. "Hindi ah. Pero saan sila pumunta?" Tanong ko din. "Ewan ko lang." Tumango nalang ako at nag umpisa ng kumain. Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush na ako at lumabas na. Tumingin ako sa bahay nila Cloud at nakita kong papaalis palang sila. Sabi ni Mama nakaalis na? Lumapit ako sa driver nilang si kuya Anjo. "Kuya, saan po punta nila?" Tanong ko. "Hinde ku alam ih." Sagot naman niya. Tumango ako at bumalik na sa bahay namin. Tatawagan ko na sana si Cloud pero naunahan niya ako dahil bigla siyang nagtext saakin.
From: Cloud
Sorry sa nangyari kahapon. I'll be gone for 2 weeks. Burahin mo na tong number ko kasi di mo din naman macocontact. Tsaka nalang ako magtetext next next week gamit yung bago kong sim card. Thank you. -CSVCloud Secret Villacillo. Di ko masabi sayo, pero gusto ko lang malaman mo na namimiss na kita.
