#TRATCwp
Copyright © 2015 by Patrishia
ALL RIGHTS RESERVED. No parts of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage or retrieval systerm, without the written permission of the author, except where permitted by law.
-
CLOUD
After naming kumain ni Rain, naisipan namin na mag-movie marathon doon sa theatre room. "Ano papanuorin natin?" Tanong niya saakin. "Ano ba maganda?" Tanong ko naman. May binulong siya pero di ko naman narinig. "Ano yon?" Tanong ko ulit. "Ah, wala wala. Sabi ko, hanap nalang tayo." Tumango nalang ako at naghanap na kami.
Wala akong maganda na mahanap kasi halos lahat eh napanood naman na namin nila ate. "Ano may nakita ka na?" Tanong ko sakanya. Umiling naman siya at naghanap pa ulit. Tumulong na ako sa paghanap. "Eto nalang kaya?" Tanong ko sakanya. "Ano yan?" Tanong din niya. "The Other Woman." Sagot ko. "Yung kay Anne Curtis ba yan?" Tanong niya na parang kinakabahan. "What? No." Sagot ko naman at isinalpak na yung CD. Nag umpisa na kaming manuod.
"Grabe, naging magkakaibigan pa yung mga kabit nung lalaki." Di makapaniwalang saad ni Rain. "Ang ganda nga eh." Sabi ko sakanya. Kakatapos lang nung pinanood namin at ang ganda!
"Buti hindi tayo sa ganon naging magkaibigan noh?" Sabi niya saakin. "What?" Natatawa kong sabi. "Baka kasi may boyfriend ka tas magulat ka nalang kasi kabit ako." Sabi niya kaya mas lalo akong natawa sakanya. "Ang baliw mo." Sabi ko sabay hampas sa braso niya. "Baliw sayo." Sabi niya sabay kindat saakin. Napangiti naman ako at kinurot siya sa braso sabay sabing, "Malandi!" Natawa naman siya sa sinabi ko. "Sayo lang ako malandi, Ulap." Sabi niya sabay kindat ulit. Napailing nalang ako sa kabaliwan ng lalaki na to.
"Tara nga sa kwarto mo." Sabi ni Rain matapos niyang ligpitin ang mga CD na kinalat namin kanina. "Ano gagawin mo dun?" Tanong ko sakanya. "Ano ba gusto mo gawin natin?" Sabi niya sabay ngisi. Naramdaman kong nag init ang pisngi ko kaya sinapak ko siya. "Tangina mo." Sabi ko sabay lakad papunta sa kwarto ko. Narinig ko naman yung mga tawa niya kaya mas lalo akong namula.
Anong ginagawa mo saakin, Rain ._.
RAIN
Natatawa pa din ako sa nangyari kanina. Hahahaha andito na ako sa bahay at kakauwi ko lang. Nagpaalam na din ako kay Cloud kasi padilim na at baka marape ako sa daan. Wow parang ang layo ng bahay namin eh noh. Hahahaha.
"Anak?" Sabi ni Mama habang kumakatok.
"Kakain ka ba pa?" Dugtong niya. "Hindi na po, Ma. Kayo nalang po ni Sky ang kumain." Sagot ko naman. Nag okay nalang si Mama at bumaba na. Si Sky, siya yung kababata ko na dito nakatira saamin kasi nasa ibang bansa yung magulang niya. Dapat ay pupunta din siya don pero ayaw niya daw mahiwalay saakin. Crush ako nyan eh.
Kinuha ko ang cellphone ko at naisipan kong itext si Cloud.
*Text conversation*
Rain: Hi po ate!
Cloud: Who are you?
