Epilogue

9 0 0
                                    

Last chapter naaa wahh congrats sa mga nakaabot dito HAHAHAHA bye

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

after 4 years..

Napangiti ako habang naririnig ang mga agos ng tubig dito sa dagat. Nakaupo lang ako sa may buhangin at nilalanghap ang simoy ng hangin. Alas sais palang ng umaga at konti pa lang ang tao dito sa beach resort na pinagtuluyan namin nila Mama. Ganitong oras din masayang maglakad lakad. Pero eto ako, nakaupo at nagmumuni muni lang.

Napabuntong ako at inalala ang mga nangyari noon. Simula nung araw na nakilala ko siya. Yung nagkabanggaan kami, at napatitig siya sa mga mata ko.

Pero hindi ko inaasahan na aabot kami sa ganito. Kung hinayaan ko kaya siyang magpaliwanag, ganito kaya ang buhay namin ngayon? Wala naman akong pinagsisisihan eh. Pwera nalang nung sa araw na nagalit nalang ako bigla sakanya.

Pero kanino nga ba talaga ako nagalit non? Kay Lava o kay Cloud? Hay ang gulo gulo pa din talaga.

Napansin kong dumadami na ang tao dito sa resort kaya tumayo na ako at pumunta sa isang kainan dito. Umorder ako ng kape at naghanap na ng mauupuan. Tahimik lang akong nakaupo dito habang nagkakape nang may mapansin akong pumasok na babae. T-teka. Pamilyar to ah?

"Ayumi!" Sigaw ko. Agad siyang napatingin saakin na may pagtataka sa mukha. "Uhm kilala ba kita?" Tanong niya. "Ako si Rain." Sagot ko. "Rain?" Tanong niya ulit. "Xander." Maikli kong sagot. Nanlaki ang mga mata niya at agad akong niyakap. "OMG Xander! Kamusta ka na? Ano nagkita na ba kayo ni Lava?" Sunod sunod na tanong niya. "H-ha? Okay lang ako. Oo, nagkita na kami." Sagot ko naman. "Talaga? Kelan?" Tanong niya ulit. "Uhm 4 years ago." Tugon ko. "Talaga?! Mukhang magkikita ulit kayo ngayon ah!" Masaya niyang sabi. "K-kasama ba si Cloud?" Nag aalangan kong tanong. Agad siyang napatigil at napatingin saakin. "Oo yata. Sige na mauna na ako! Kanina pa nila ako hinihintay don eh. Bye!" Sagot niya sabay takbo paalis.

Napailing nalang ako at lumabas na. Maglalakaf lakad muna ulit ako dito sa tabing dagat. Habang naglalakad, may nahagip yung mata ko na isang babaeng nakaupo sa may buhangin.

"Cloud?" Pagtawag ko sakanya. Agad naman siyang napatingin saakin. "R-rain?" Tugon niya. Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit. "Cloud! Ikaw nga!" Sigaw ko habang yakap pa din siya. "Ah hehe." Sagot naman niya. Kumalas na ako sa pagkayakap at naupo na kami pareho. "Kamusta na?" Tanong ko. "Ayos naman. Ikaw ba?" Tanong niya din. "Ayos lang din. Eh si Lava kamusta na?" Tanong ko ulit. "Ayos lang din." Tumango ako at tumingin na sa may dagat. "Sorry." Sabay naming sabi. Agad kaming nagkatinginan at tumawa. "Hahahaha okay lang." Sabi niya habang tumatawa pa din. "Okay lang din." Sagot ko at mas lalo kaming natawa. Tumayo na siya kaya naman tumayo na din ako. "Sana pala hinayaan kitang magpaliwanag noon." Malungkot kong sabi. "Okay na yon. Tignan mo naman oh. Mas naging okay tayong lahat. May natutunan ako sa nangyari noon. At alam kong may natutunan ka din. Kalimutan nalang natin yon." Tugon niya. Agad akong napangiti. "Salamat, Cloud. Sana maging magkaibigan ulit tayo." Masaya kong saad sakanya. Ngumiti din siya saakin. "Oo naman. Pero sa ngayon, aalis na ako. At kapag dumating yung araw na muling magkita tayo, yun na ang umpisa ng panibago nating pagsasamahan." Sagot niya. "See you, Cloud." Tugon ko.

"See you soon, Ulan." Nakangiti niyang sabi at umalis na. Hanggang sa muli, Ulap.


Naglakad na ako pabalik sa may hotel at sumakay sa elevator. Pero napansin kong andito din si Lava. "Lava?!" Gulat kong sigaw. Agad siyang napatingin saakin at napangiti. "Uy Rain!" Sigaw din niya. "Kamusta na?! Nagkausap na ba kayo ni Cloud?" Dugtong pa niya. "Oo! Ayos lang ako. Ikaw ba?" Tanong ko. "Ayos na! Hahahaha" Masaya niyang sagot. Agad akong napangiti.

"Mabuti naman kung ganon." Masaya kong sabi sakanya. Napangiti din siya sa sinabi ko. "Sorry ulit, Rain." Sincere niyang sabi. "Sorry din." Sincere ko ding sabi. "Sana maging okay na ang lahat." Dugtong ko. "Okay naman na ang lahat. Pero aalis na muna kami ah? Wag ka mag alala. Kapag nagkita kita ulit tayo, yun na ang umpisa ng panibagong pagsasama natin." Nakangiti niyang sagot. "Hanggang sa muli, Xander." Dugtong niya at saktong bumukas na yung elevator.

Hanggang sa muli, Lava.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry kung ang panget ng epilogue :--( Wala pa po akong alam sa mga ganito kaya patawarin niyo ako huhu pero congrats sa mga nakaabot dito kahit walang kwenta mga chapters hehehe [shy]

So ayon, tapos naaaaa ang TRATC. Thank you sa mga nagbasa, nagbabasa, at magbabasa. Hahahaha try ko gumawa ng special chapters ni Rain tas Cloud, Rain tas Lava, Cloud tas Lava, tas yung sa mga tropa nila na sina Aki, Jakob, Tris, at Trans.

Hanggang sa muli! :))) -pat

November 26, 2015-December 7, 2015

The Rain and The CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon