TRATC 22

7 0 0
                                    

Hi! Enjoy! :)

PS. Maikli lang ang chapter na to.
-

RAIN

Two weeks na ang nakalipas pero wala pa ding Cloud ang nagpaparamdam. Sa loob ng dalawang linggo, madami na ang nangyari. Asan na ba kasi si Cloud? Gusto ko ng ipakilala sakanya yung nililigawan ko eh. Oo, may nililigawan na ako. Si Koru. Halos kami ang magkasama lagi sa loob ng dalawang linggo na yon.

*bzzt bzzt*

Uy may nagtext.

From: 09123456789
Hi. This is my new number. Pakisave nalang. Thank you! -Cloudesca

To: Cloudesca
Hi Cloud! Andito ka na ba?

Akala ko magrereply siya, pero makalipas ang ilang minuto ay walang Cloud na nagreply saakin. Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa labas ng bintana ko. Maya maya pa ay may nakita akong sasakyan na papasok sa bahay nila Cloud. Sila na siguro yan. Lumabas naman ako sa may veranda at sinilip. Tama nga ako, sila Cloud na nga iyon. Napatitig naman ako sakanya. Mas lalo siyang pumuti. Ang dati niyang itim na buhok ay naging brown na. Dalawang linggo lang ang nakalipas pero bat parang ang daming nagbago sakanya? Pumasok nalang ulit ako at humiga.

Galit pa kaya saakin si Cloud?

CLOUD

Hi Manila! I'm back! Namiss ko ang simoy ng hangin dito. Hahaha! Napasobra pa ng 3 days ang bakasyon namin doon. At sa loob ng 2 weeks and 3 days na bakasyon namin, sa tingin ko'y nakamove on na ako. Nagtext na ako sa mga kaibigan ko gamit ang bagong number ko. Agad naman silang nagsireply kung andito na daw ba ako pero kahit isa wala akong sinagot dahil pagod ako sa byahe at wala pa ako sa mood makipag kwentuhan sakanilang lahat.

Ilang minuto pa'y nakarating na kami sa bahay. Wow namiss ko dito ah. Pumunta ako agad sa kwarto ko at nilagay ang mga pasalubong kong chocolates sa maliit na ref na andito sa kwarto ko. Nagbihis na ako ng pambahay at nahiga na muna.

Ang daming nagbago. Alam ko. Kasi habang nandon ako sa States, may nakapagsabi sakin na may nililigawan na siya. Nasaktan ako nung una, pero ano magagawa ko? Kaya sa loob ng dalawang linggo ay nilibang ko ang sarili ko. At ginawa ko lahat para mawala lahat ng nararamdaman ko para sakanya. Nawala lahat except sa isa. Galit. Hindi nawala ang galit. Hindi sakanya kundi sa sarili ko.

May kumatok sa pinto at agad ko naman itong pinapasok. "Nakausap mo na ba siya?" Tanong ni Mama saakin. "Hindi pa Ma." Sagot ko naman sakanya. "Dapat niyang malaman ang totoo, Cloud." Paalala saakin ni Mama. "Oo naman Ma. Hindi pa lang siguro ito ang tamang oras para dyan." Sagot ko at pinikit na ang aking mga mata. Naramdaman ko ang pag alis ni Mama sa kwarto ko.

Hindi pa ito ang tamang oras.

The Rain and The CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon