TRATC 6

6 0 0
                                    

Copyright © 2015 by Patrishia

ALL RIGHTS RESERVED. No parts of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage or retrieval systerm, without the written permission of the author, except where permitted by law.

-

A/n: Double update ahe sorry kung natagalan. Anws enjoy!

CLOUD

May kung ano akong naramdaman nung nagkahawak na yung mga kamay namin. Di ko nalang yon pinansin.

After two subjects, recess na namin. Wala akong kasabay mag recess kasi wala naman akong kaibigan dito. Habang naglalakad ako sa hallway, may tumawag saakin.

"Cloud!" Paglingon ko, nakita kong si Rain yung tumawag sakin. Kasama niya yung mga tropa niya.

"Bakit?" Sagot ko naman.

"Sabay ka na samin mag recess." Tumango nalang ako kahit medyo nahihiya ako. Pagdating namin sa canteen, tinanong ako ni Rain.

"Ako na oorder sayo, Cloud. Ano ba gusto mo?"

"Kung ano nalang sayo." Sagot ko sabay abot ng bayad.

"Sige libre ko nalang." Sagot naman niya at naglakad na para pumila.

"Hi Cloud!" Bati nung isa niyang tropa. Ngumiti naman ako sakanya.

"Ikaw pala yung seatmate ng tropa namin. Nice meeting you!" Sabi naman ng isa.

"Nice meeting you." Simpleng sagot ko.

"Ako nga pala si Aki. Eto naman si Jakob, Trans, at Tris." Sabi nung Aki saakin.

"Hi Aki, Jakob, Trans, at Tris. Ako si Cloud. Hahahaha." Sagot ko naman.

"Ano pala buo mong pangalan, Cloud?" Tanong nung Trans. Nginitian ko lang siya.

Ayoko sinasabi yung totoo kong pangalan. Nahihiya ako. Hahahahaha :p

Magsasalita pa sana siya pero dumating na si Rain. "Asan yung amin, Ulan?" Tanong ni Jakob sakanya.

"Anong inyo? May pera ba kayong binigay ha?" Sagot naman ni Rain.

"Daya mo, bro!" Sabi ni Tris. Binelatan lamang sila ni Rain at inilapag na ang pagkain sa lamesa.

"Bumili kayo ng inyo." Maikling sagot ni Rain. Natawa nalang ako kasi nakabusangot na tumayo sila Aki.

RAIN

"Kain na, Cloud." Sabi ko kay Cloud. Ngumiti naman siya at nagsimula ng kumain.

"Kamusta naman mga tropa ko?" Tanong ko sakanya. "Ayos naman. Makukulit." Sagot niya saakin. "Bat naman?" Tanong ko pa. "Pati buo kong pangalan natanong nila. Hahahaha mga baliw." Sagot niya habang kumakain.

Oo nga noh. Bat di ko naisip na itanong sakanya yon?

"Pero ano nga pala?" Tanong ko.

Ngumiti lang siya at di na ako pinansin. Bat ayaw sabihin neto pangalan niya?

"Ikaw muna." Sabi niya.

Ngumiti lang din ako at di siya pinansin. Ayoko din sabihin :p

"Omg ang arte Rain." Sabi niya habang natatawa. Nag pout lang ako.

"Hahahaha, sasabihin ko naman sainyo. Pero di ngayon." Sabi pa niya at tuloy lang sa pagkain.

Aalamin ko nalang kung sino yung nakakaalam para maganda.

The Rain and The CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon