TRATC 13

11 1 0
                                    

Nakakatuwa yung last chapter. Yon yung pinakamahabang chapter na nagawa ko dito. Hahahahaha. Wala pa ding plot tong story putek lt. May naiisip ako pero parang ang cliché ganon. HAHAHAHAHA Dami pa oras para mag isip.

Enjoy mo muna tong chapter na to. Tweet niyo ko @ironiccole :) #TRATCwp

Copyright © 2015 by Patrishia

ALL RIGHTS RESERVED. No parts of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage or retrieval systerm, without the written permission of the author, except where permitted by law.

-

CLOUD

Nagising ako sa sinag ng araw na nararamdaman ko sa mukha ko. 7am na pala. May pasok nanaman kami. Bumangon na ako't naghilamos at nag toothbrush. Mamaya na ako maliligo. Tinatamad pa ako. Bumaba na muna ako at nakita ko na naghahanda palang si ate ng breakfast. "Goodmorning ate." Bati ko sakanya. "Bat late ka na ata nagising?" Tanong naman niya saakin. Nginitian ko nalang siya at alam na niya agad ang sagot don. "Sorry ha?" Sabi niya saakin. "Masyado na kasing nakakainis yang asawa ko eh. Di ko na naiisip na may mga taong naaabala." Dugtong pa niya habang naghahain. Ngumiti nalang ako at naupo na. Tinawag na ni ate si mama at yung asawa niya. "Oh himala at late ka nagising ngayon, Cloud?" Bungad ni Mama saakin. "Goodmorning din sayo, Ma." Sabi ko kaya natawa sila. Wow saya eh noh. Nag umpisa na kaming kumain. "Kamusta naman pag aaral mo, Cloud?" Tanong ni Mama saakin. "Ayos naman, Ma." Sagot ko sakanya. "May nanliligaw na ba sayo?" Tanong pa niya. "Nako, Ma. Yung kapitbahay natin laging andito. Manliligaw mo ba yon?" Singit ni ate. "Baka manliligaw ate? Kaibigan ko lang yon. Ang showbiz niyo nanaman." Sabi ko habang kumakain. "Nako, ipakilala mo sakin yang manliligaw mo na yan ha." Sabi naman ni Mama. Di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagkain.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako sakanila na gagayak na ako. 7:30 na pero maliligo palang ako. Nako late na ako neto. Binilisan ko na ang pagkilos ko pero halos 20 minutes na ako sa banyo. Gumayak na ako at pagbaba ko'y andon na si Kuya Anjo. "Alis na ako, Ma. Bye." Paalam ko kay Mama at sumakay na ako sa sasakyan namin.

Pagkadating ko sa school ay saktong nag ring na ang bell. Oh shit. Akala ko late na ako. Nagmamadali akong naglalakad sa hallway nang makita ko sila Aki na nakatayo sa may bulletin board at may tinitignan. "Hi!" Bati ko sakanila. Napatingin naman sila saakin at binati din ako pabalik. "Ano yang tinitignan niyo?" Tanong ko sakanila. "Schedule ng exam tsaka schedule nung field trip natin." Sagot ni Trans saakin. "Sasama kayo?" Tanong ko sakanila habang naglalakad kami papunta sa classroom. "Kung maganda ang grades ko, baka pasamahin ako ni Mommy." Sagot ni Tris sa tanong ko. Tumango nalang ako. Sasabihin ko na to kila Mama mamaya pag uwi ko. "Asan pala si Rain?" Tanong ko nang mapansin kong wala dito si Rain. "Hinatid nila si Sky sa airport."

Bat ganon? Bat parang may kung anong masakit sa dibdib ko? Sino si Sky?

RAIN

Hindi ako makakapasok ngayong umaga dahil ihahatid namin si Sky sa airport. Dapat ay si Mama lang kasama niya pero hindi daw siya aalis hangga't hindi ako kasama kaya no choice kundi sumama ako.

Andito na kami sa airport at hinihintay na lamang na tawagin ang flight niya. "I'll miss you, Rain." Sabi niya sabay yakap saakin. "I'll miss you too, Sky." Sabi ko sakanya. Mamimiss ko naman talaga siya. Wala ng maingay sa bahay. "Mag iingat ka don, Sky ha?" Sabi ni Mama sakanya. Tumango naman si Sky. Maya maya ay tinatawag na siya ng flight niya kaya nagpaalam na siya saamin.

9 na ng makauwi kami sa bahay. Naisipan kong mamayang hapon nalang pumasok dahil medyo inaantok pa din ako. Bago ako tuluyang matulog ay tinext ko muna si Cloud.

Ano ginawa niyo? Mamayang hapon na ako makakapasok. Ingat ka ah? Tulog lang ako. See you later :)

Matapos masend ay tuluyan na akong nakatulog. Miss ko na si Cloud.

CLOUD

Recess na namin at nakatanggap ako ng message galing kay Rain. Nagreply naman ako sa tinext niya.

Wala naman. Nag discuss lang sila. Okay sleepwell. See you :)

Andito kami ngayon nila Aki, Jakob, Trans, at Tris sa canteen. Pinagtitinginan nga kami ng mga tao eh.

"Ano ba yan? Wala lang si Rain ang lakas na niyang lumandi."

"I know right. Akala mo kung sinong anghel eh malandi din pala."

"She's not even pretty."

Rinig kong bulong ng iba. Ako ba pinag uusapan nila? Pano naman ako naging malandi eh kumakain lang naman ako? Malandi na ba tawag sa taong kumakain? Nagulat nalang ako nang bigla akong buhusan ng juice. "What the?!" Sigaw ko. "Wag ka kasing malandi!" Sigaw din niya.

"Hoy babaeng di ko kilala at wala akong balak kilalanin! Wala akong ginagawa sayo! Kumakain lang kami ng mga kaibigan ko dito, anong malandi don?! Malandi na ba tawag don? Yeah right, so malandi kaming lahat dito?!" Sigaw ko sakanya. Natahimik naman siya sa sinabi ko.

At bigla nalang may pumasok sa isip ko na nakapagpatawa saakin. "So, iniisip mo na nilalandi ko 'tong mga to? Para sabihin ko sayo, kaibigan ko sila at kaibigan nila ako. Kung gusto mo sila, edi sayo na. Di mo ko kailangan sabihan ng malandi kasi sa inaasal mo ngayon? Ikaw ang nagmumukhang malandi." Sabi ko sakanya at umalis na don.

Mga pahamak sa buhay.

The Rain and The CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon