Copyright © 2015 by Patrishia
ALL RIGHTS RESERVED. No parts of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage or retrieval systerm, without the written permission of the author, except where permitted by law.
-
CLOUD
Andito na ako sa classroom. Di ko pa din makalimutan yung mga mata ng lalaki na yon. Ang perfect lang kasi.
Habang naghihintay ng teacher, kinuha ko muna ang cellphone ko at nag soundtrip.
"Baby, baby blue eyes. Stay with me by my side. Til the morning through the night.."
Kanta ko. LSS nanaman ako ng isang linggo neto. Napatingin ako sa upuan ng katabi ko.
May nakasulat na "Rain" sa may desk nito. Babae ba to? Maya maya ay may narinig akong grupo ng lalaki na pumapasok kaya napatingin ako don.
Hala! Kaklase ko yung lalaki na yon? Napadukdok ako dahil naalala ko nanaman yung kanina.
RAIN
Andito na kami sa tapat ng classroom ng mga tropa ko. Pagbukas ko ng pinto ay napatingin yung iba saamin dahil nag uusap usap kami. Napatingin ako sa babaeng nakadukdok sa tabi ng upuan ko.
So babae pala ang katabi ko?
"Uy Rain! Balita ko chix yung katabi mo ah." Sabi ng isa kong katropang lalaki.
"Oo, paglaki manok." Pambabara ko naman sakanya.
Tumawa naman sila sa sinabi ko. Napailing nalang ako at naupo na sa upuan ko.
Maya maya pa ay dumating na yung teacher namin. Pero pansin kong di pa din umaayos ng upo itong katabi ko.
"Miss!" Sigaw ng teacher namin. Agad naman siyang napaayos.
"Stand up." Sabi ng teacher namin sakanya.
Oh, siya yung babae kanina.
"What's your name?" Tanong ni Ma'am.
"Uh, Cloud po." So Cloud pala ang pangalan niya?
"Alam mo, Miss Cloud, kung matutulog ka lang din sa klase ko, mas maganda siguro kung huwag ka ng umattend sa first class mo." Sabi ni Ma'am sakanya. Tumango nalang si Cloud at naupo.
CLOUD
Kapag minamalas ka nga naman ._. Tapos katabi ko pa tong lalaki na to! Hiyang hiya na ako putek.
"So Cloud pala pangalan mo?" Napatingin ako sa katabi ko. Tumango naman ako.
"Hi Cloud. I'm Rain." Sabay lahad ng kamay. Tinanggap ko naman yon so bale nag shakehands kami.
"Hi Rain..
...... I'm Cloud."