Copyright © 2015 by Patrishia
ALL RIGHTS RESERVED. No parts of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage or retrieval systerm, without the written permission of the author, except where permitted by law.
-
CLOUD
Naglalakad ako sa hallway nang biglang may nakabangga na lalaki saakin.
"Ouch!" Natumba lang naman ako.
"Sorry, miss!" Sabi ng lalaki habang tinutulungan akong tumayo. Napairap nalang ako at pinagpag ang damit ko.
"Are you okay?" Tanong ng lalaki saakin. Tumingin ako sakanya and wtf. Ang ganda ng mata niya. Napatulala ako don at nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang tawa niya.
"So, kamusta naman ang mga mata ko?" Sabi ng lalaki habang tumatawa. Nag init ang mga pisngi ko sa sinabi niya.
"I'm okay. Bye." Sagot ko sakanya sabay talikod at takbo paalis sakanya.
Ano nangyari saakin? .-.
RAIN
"Bye, Ma!" Sabi ko sa mama ko sabay kiss sa pisngi niya. Sweet ko e noh?
Ginulo lang ni Mama ang buhok ko at pumasok na ako sa Bloodford University. Ganda naman dito.
Pumunta ako sa classroom ko at nilagay ko muna yung bag ko doon. Ayaw ko kasi na may bitbit ako. Naglakad lakad muna ako sa hallway, pero biglang may nabangga akong babae.
"Ouch!" Sigaw niya at natumba siya.
"Sorry, Miss!" Sabi ko sakanya habang tinutulungan siyang tumayo.
Di ko makita yung mukha niya. Pero ang haba ng buhok niya.
Nung mapatingin na siya sakin, oh shit. Ang ganda niya. Di ko lang pinahalata na nagagandahan ako sakanya pero napansin kong napatulala siya at napatitig sa mata ko.
"Are you okay?" Tanong ko sakanya. Pero di siya kumikibo at nanatiling nakatitig sa mata ko. Natawa naman ako.
"So, kamusta naman ang mga mata ko?" Tanong ko sakanya. Nakita ko na parang nag blush siya.
"I'm okay. Bye." Sagot niya sabay takbo.
Damn. Ano nangyayari saakin?
