TRATC 33

10 0 0
                                    

Shchdhsnxnsjsjs wala ako maisip so sorna kung walang kwenta to.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CLOUD

Andito ako ngayon sa kwarto ko at nag iimpake na para sa pag alis namin ni Lava mamaya. Mauuna na kami tapos susunod si Mama next week kasi may kailangan pa siyang ayusin sa business namin dito. Si Ate naman, dito daw muna siya at baka next year na makasunod don.

Nilagay ko na lahat ng kailangan ko, lahat ng damit ko sa maleta ko. At lahat ng importanteng bagay sa bag ko. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko alam kung magiging masaya ako kasi aalis na kami dito. O malulungkot dahil di man lang kami nagkapatawaran nila Rain. Oo, pati mga tropa niya may galit din ata sakin kasi akala nila niloko ko sila.

Di man lang nila pinakinggan yung side ko. Di man lang nila inalam yung totoo. Hahaha kahit naman sandali pa lang kami nagkakasama eh napalapit na loob ko sakanila. Lalo na sakanya. Naramdaman ko agad na gagaan loob ko sakanya nung unang beses kaming nagkita. Nung napatitig ako sa mata niya. Pero di ko inexpect na pagkatapos ng lahat ng iyon eh maglalaho agad ang nabubuo palang naming pagkakaibigan dahil sa isang bagay na hindi naman talaga nila alam ang katotohanan.

Nakakalungkot man pero eto siguro ang dapat? Ang lumayo kami ng kakambal ko para wala na kaming malokong ibang tao. Hindi naman sa nagagalit ako kasi may kakambal ako kaya nasira pagkakaibigan namin nila Rain. Kung eto ang nakatakdang mangyari, ano gagawin ko? Walang kahit sino ang kayang kalabanin ang tadhana. Gustuhin ko man mag explain sakanila, alam kong hindi pa to ang tamang oras para pakinggan nila ako. Kasi halata naman na ayaw pa nila akong kausapin. Blinock ba naman ako sa facebook? Tapos nung tinanong ko si Aki, nakadeactivate daw. Psh sino niloko nila? ._.

Ano ba dapat kong gawin para malaman nila ang totoo? O dapat pa ba nilang malaman yung totoo? Mababalik ba non yung nasira naming pagkakaibigan? Hay bahala na.

-

Matapos kong maempake lahat ay bumaba na ako para makakain. "Okay na mga gamit mo?" Tanong saakin ni Lava. Tumango naman ako. "Yep." Sagot ko. "Okay good. Excited ka na ba?" Masaya niyang sabi. "Sakto lang. Nalulungkot pa din ako. Ang bigat ng loob ko kasi aalis ako dito ng may galit saakin." Sagot ko sakanya. "Ayaw ka pa din bang kausapin?" Malungkot niyang tanong. Umiling naman ako. "Edi sumulat ka nalang. Tapos ako yung magbibigay para makausap ko na din siya." Tumango naman ako at nag umpisa na kaming kumain.

Matapos naming kumain ay umakyat na ako para maligo at magbihis. Pagkatapos ay umupo na ako at gumawa ng sulat.

Dito ko nilabas lahat ng nararamdaman ko. At sana maliwanagan sila at patawarin ako sa nagawa ko. Tumayo ako at binigay kay Lava yung sulat. "Bigay ko na to." Tumango nalang ako at umakyat na ulit sa kwarto ko.

RAIN

Nanonood ako ngayon dito sa sala nang biglang may nag-doorbell. Tumayo ako at tinignan kung sino iyon. Agad akong nainis nang makita kong si Cloud iyon.

"Anong ginagawa mo dito?" Masungit kong tanong. "Pinapabigay niya." Sagot naman niya. "Sino?" Tugon ko. "Ni Cloud." Sagot din niya. Agad naman akong naguluhan sa sinabi niya. "Ano pinagsasabi mo?! Hanggang ngayon pa din ba lolokohin mo ako?! Tumigil ka na, Cloud!" Sigaw ko sakanya. Mukhang nagulat naman siya sa pagsigaw ko.

"Huwag mong sabihan ng ganyan ang kakambal ko!" Sigaw din niya saakin. Napatigil ako at napatingin sakanya. "Oo! Hindi ako si Cloud dahil ako si Lava. Ngayong alam mo na ang totoo, wag na wag ka ng lalapit sakanya. At gusto kong malaman mo na tapos na tayo, Rain. Sabihan mo na ng kung ano ang ibang tao, pero wag na wag mong sasabihan ng kung ano ano ang kapatid ko." Matigas niyang sabi sabay hagis sa mukha ko ng sulat at umalis na.

T-teka. Naguguluhan pa din ako. Kakambal?! May kambal si Lava? At si Cloud yon?

Agad akong pumasok sa kwarto ko at binuksan ang sulat.

Rain,

Siguro kapag nabasa mo to eh nasa ibang planeta na ako. Joke! Pero gusto ko lang sana iexplain yung side ko. Okay una sa lahat, gusto ko malaman mo na hindi ako si Lava. Ako si Cloud. Hindi totoo na niloko kita. Hindi totoo na niloko ko kayo ng tropa mo. Unang araw na nagkita tayo, totoong Cloud na yung pinakita ko sainyo. Hindi ko alam kung pano mo nalaman yung tungkol sa kakambal ko, pero kung nakatakda na magalit ka saakin, tatanggapin ko. Pangalawa, sorry kung hindi ko agad nasabi sayo. Sasabihin ko naman eh pero hindi lang nung nalaman mo. Hindi ko ineexpect na malalaman mo agad. Sorry kung sa tingin niyo eh niloko ko kayo. Pero hindi. Hinding hindi ko gagawin sainyo yon lalo na sayo. Pero wala eh, nangyari na eh. Sana maging masaya ka! At sana sa muling pagkikita natin eh wala na yung galit mo saakin. Yung galit mo saamin ni Lava. Sana mapatawad niyo ako. Sana mapatawad mo ako. Paalam, Ulan! Hanggang sa muli :)

From Cloud

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Next Chapter: Epilogue

The Rain and The CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon