Di ako tinatamad. di ako tinatamad. di ako tinatamad. hindi talaga hehehehe puta hindi ako tinatamad ._.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/n: PS. Nakakapagod maglagay ng ganyan hehehehe
CLOUD
Andito ako ngayon sa bahay. Hindi ako pumasok kasi tinatamad ako. Charing. Ano ako bad girl? May sakit kasi ako kaya di ako nakapasok. Ayaw pa maniwala ni ate kasi daw baka ginagago ko lang sila. Pero seryoso naman ako huhuhu.
Nakahiga lang ako dito sa kama ko habang nakatulala. "Dito ka lang ha?" Biglang litaw ni Mama sa may pinto. "Bat san kayo pupunta?" Tanong ko. "May bibilin lang kami nila ate mo." Tumango nalang ako at tumingin na ulit sa may kisame.
Ano kaya nangyayari ngayon sa school? Gusto ko pumasok. Joke ayoko talaga. HAHAHAHA. Maitext nga si Rain. Ay si Trans nalang pala.
*text conversation*
Cloud: Hoy
Trans: Hi din
Cloud: Ano ginagawa niyo?
Trans: Wala recess na eh. Bat pala absent ka?
Cloud: Secret :p
Trans: Wow secret ka pang nalalaman
Cloud: Syempre maganda eh
Trans: CLOUD MAGPANGGAP NA KAYO NI TRANS PAG PUMASOK KANA ULIT HA -TRIS
Cloud: Anong magpanggap?
Trans: Yung dare niya daw
Cloud: Wtf ._.
Trans: Hayaan mo na pretend lang naman eh
Cloud: Crush moko eh noh?
Trans: Oo sige
Cloud: Bye na nga
Trans: Sige see you :p
*eof*
Seryoso pala talaga yung dare ni Tris na yon. Akala ko nagjojoke lang siya eh. Napakaboring naman dito. Tsaka napakasakit pa ng ulo ko ._.
Naisipan kong magkalkal ng mga gamit sa ilalim ng kama ko. Pagtingin ko'y may nakita akong mga kahon. Pero may isang kahon na nakakuha ng atensyon ko. May nakalagay na Volcano sa kahon. Shit. Eto yung kahon na yon. Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tinignan ko ang laman ng kahon. May nakita akong mga pictures. Dalawang bata na naglalaro sa snow. Dalawang bata na kumakain. Dalawang bata na magkahawak kamay habang naka-halloween costume. Eto nga yon.
Naalala ko tuloy yung araw na kinwento sakin ni Mama ang lahat. Ano kaya mangyayari kung andon pa din ako ngayon? Ano kaya mangyayari kung wala ako dito ngayon? Napabuntong hininga nalang ako at ibinalik ang mga pictures sa loob at ipinatong ang kahon sa lamesa na nasa kwarto ko. Bumaba na ako para kumain ng breakfast. Wala pala akong kasama dito ngayon. Napag-isipan kong magluto nalang ng itlog, hotdog, at bacon. Nagtimpla na din ako ng orange juice.
***
Nang matapos akong kumain ay nanood muna ako dito sa sala. Nakaramdam nanaman ako ng sakit ng ulo at di namalayang nakatulog na pala ako.
RAIN
Andito kami ngayon sa school. At napansin kong wala si Cloud kaya tinanong ko si Trans. "Tol bat daw absent si Cloud?" Tanong ko sakanya. "Secret daw pare. Ayaw sabihin eh." Sagot naman niya.
Hoy bat ka absent?
Text ko kay Cloud pero di naman nagrereply. "Baka naman may sakit?" Sabi ni Jakob. Baka nga. "Tara nalang pumunta sakanila mamaya. Dalan natin ng pagkain." Saad naman ni Trans. Agad naman kaming pumayag sa sinabi niya.
Nandito na kami ngayon sa classroom. Last subject na namin ngayong umaga at napag-usapan namin na huwag nalang pumasok mamayang hapon at kila Cloud nalang tumambay. "Goodbye, Ma'am. Thank you for teaching us." Sabay sabay naming sabi at tumayo na para makauwi. "Ano ibibili natin kay Cloud?" Tanong ni Trans. "Bili nalang tayo sa Krispy Kreme tas bili din tayo mga prutas." Sagot ni Tris. "Libre mo na Trans. Yun yung dare namin sayo diba?" Dugtong pa niya. Pumayag naman si Trans. "Dun na tayo sa sasakyan ko." Sabi ko sakanila. Agad naman silang pumayag at nagtungo na kami sa parking lot.
Nang makarating kami don, naabutan namin si Koru na nakatayo sa tabi ng kotse ko. "Rain!" Sigaw niya sabay kaway. Nginitian ko naman siya at nilapitan. "Uy Koru!" Bati ko sakanya. Nginitian lang siya ng mga tropa ko. "Saan punta niyo?" Tanong niya. "Kila Cloud." Sagot ni Jakob sakanya. "Okay lang ba kung sumama ako?" Naka-pout na tanong ni Koru. "Bawa-" "Oo naman." Pagputol ko sa sasabihin ni Tris. Tinignan ko siya at nilakhan ng mata. "Yay!" Sigaw ni Koru sabay yakap saakin. "Psh tara na." Parang iritadong sabi ni Tris. Teka ano ba problema non? Sumakay na kami sa sasakyan ko at nagmaneho na ako papunta sa mall.
Nang makarating kami ay naghiwa-hiwalay muna kami. Sila Trans ay bumili sa Krispy Kreme habang kami naman ni Koru ay bumili ng mga prutas. "Bat parang ayaw sakin ng mga kabarkada mo?" Tanong ni Koru. "Pano mo naman nasabi?" Tanong ko din. "Ewan ko. Feel ko lang." Sagot naman niya. "Hindi yan." Sagot ko sabay ngiti. Nginitian nalang din niya ako at naghanap na ng mga prutas na pwedeng ibigay kay Cloud.
Matapos kaming mamili ay nagtext na sila Trans na andon na daw sila sa parking lot. Agad naman kaming nagtungo don at nagpunta na kila Cloud.
***
Nandito na kami ngayon kila Cloud at kanina pa kami nagddoorbell pero wala pa din lumalabas. "Baka naman wala siya?" Sabi ni Jakob. "Andyan siya. Katext ko siya kanina eh." Sagot ni Trans. Wow bat sakin di siya nagrereply? Maya maya ay lumabas na si Cloud na naka-pajama at mahahalata mo talaga na may sakit siya. "Wow lamig ah!" Natatawang sigaw ni Trans. "Pakyu!" Sigaw din ni Cloud habang binubuksan yung gate. "Uy andyan ka pala Koru. Hehe pasok kayo." Sabi ni Cloud at pumasok na kami.
"Sino kasama mo dito?" Tanong ni Trans. "Wala. Umalis sila Mama. Sabi nila sandali lang sila pero wala pa naman." Sagot ni Cloud habang nilalapag yung mga pagkain sa lamesa. May binulong si Tris kila Trans at Cloud at agad naman na tumango yung dalawa. Puta bat ba ako nagrereact ._.
CLOUD
"Yung dare ko sainyo." Bulong samin ni Tris. Agad naman kaming tumango ni Trans. "Tara Cloud. Kain tayo." Aya sakin ni Trans. Natawa naman ako sakanya pero pumayag nalang. Pumunta na kaming dalawa sa kusina. "Mag act muna tayo pero tsaka nalang natin sabihin na nanliligaw ako kunwari ah?" Natatawang sagot ni Trans. Tumango naman ako habang natatawa din.
"Pero para saan kaya to?" Nagtatakang tanong ko. "Ewan ko ba." Sagot niya. Naputol ang pag uusap namin nang biglang pumasok si Rain sa kusina. "Ano password ng wifi, Ulap?" Tanong niya sakin. "Andon sa may lamesa sa kwarto ko. Tignan mo nalang." Sagot ko naman. Tumango siya at umalis na.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain ni Trans.
***
Nang nabusog na kami ay pumunta na kami sa sala at nakita kong naglalaro sila ng play station habang nagccellphone naman si Koru. Nakita ko na pababa palang si Rain ng hagdan at parang malalim ang iniisip niya. "Hoy Ulan! Ano nangyari sayo?" Tanong ko sakanya. Agad naman siyang napatingin saakin at umiling. Tumabi siya kay Koru at ako naman ay umakyat sa kwarto ko.
Pagtingin ko sa lamesa ay nakita kong nakabukas ang kahon. Tangina nakita niya kaya to?! Hindi pwede. Hindi pa pwede.
