TRATC 31

9 0 0
                                    

There are things
that we don't want to happen
but have to accept,

things that we don't want to know
but have to learn,

and people we can't live without
but have to let go.

(A/n: Yeaah hahahaha)

-

RAIN

Bakit andito ako sa kwarto ko? Diba andon lang ako sa kwarto ni Cloud? Tumingin ako sa may bintana at nakita kong umaga na. Agad akong bumaba at nakita ko si Mama na naghahain na ng breakfast. "Goodmorning, Anak!" Bati niya saakin. "Ma, pano ako nakarating dito?" Tanong ko sakanya. "Ha? Ano pinagsasabi mo? Eh diba first day of school niyo kahapon?" T-teka, ano daw?

First day of school kahapon? Paano nangyari yon eh andon lang ako sa kwarto ni Cloud kagabi.

Agad akong napailing at tumakbo sa labas. Tumakbo ako papunta kila Cloud at agad nagdoorbell. Lumabas naman yung ate niya. "Andyan po ba si Cloud?" Tanong ko. "Oo, andon sa kwarto niya. Sige na pumasok ka na." Sagot nung ate niya. Nagpasalamat naman ako at agad na umakyat sa kwarto niya. Naabutan ko siyang nakaupo sa may sofa at nagccellphone.

"Sino ka ba talaga?!" Sigaw ko. Gulat naman siyang napatingin saakin. "H-ha?" Naguguluhan niyang tanong. "Hindi ikaw si Cloud diba?!" Sigaw ko ulit.

THIRD PERSON'S POV

Nagulat si Cloud sa pagsigaw sakanya ni Rain. Di niya alam ang gagawin niya dahil kakakilala palang nila kahapon. "Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ni Cloud. "Sino si Lava?!" Sigaw ulit ni Rain sakanya. Agad naman siyang napahinto. "B-bat mo alam yon?" Tanong ni Cloud. "Tangina naman, Lava! Huwag ka ng magpanggap pwede ba?! Alam ko na ang lahat! Na ikaw si Lava! Si Lava na mahal na mahal ko tapos iniwan nalang ako bigla! Ikaw yon diba?!" Galit na sigaw ni Rain kay Cloud. Napahinto naman si Cloud sa narinig niya at tila guguho na ang mundo niya.

"T-teka! Magpapaliwanag ako!" Sabi ni Cloud sabay hawak sa braso ni Rain. "Huwag mo akong hawakan! Bakit ha?! Bakit mo ako iniwan ng ganon ganon nalang?! Inisip mo man lang ba yung mararamdaman ko?! Ayos lang sana eh. Oo, Lava! Masasaktan ako kapag nalaman ko na aalis ka na. Pero mas nasaktan ako nung hindi ka man lang nagpaalam ng maayos saakin! Basta ka nalang nang iwan na parang wala lang ako sayo! Ganyan ka ba Lava?! Bakit hindi mo inisip yung mararamdaman ko kapag tinuloy mo yung plano mo?! Maiintindihan ko naman eh! Kasi hindi naman ako yung ganong tipo ng tao na pipigilan ka! Kasi alam ko na mas importante pa din ang pamilya kesa sa kung anong meron tayo! Pero punyeta naman! Sana man lang sinabi mo saakin!!" Sigaw ni Rain sakanya. Agad naman siyang napaiyak. "S-sorry." Yan na lamang ang natatangin lumabas sa bibig niya. "Sorry?! Mababalik ba ng sorry mong yan ang nagawa mo noon?! Maaayos ba nyan ang lahat?! Maaalis ba nyan yung sakit na nararamdaman ko?!" Sigaw muli ni Rain sakanya.

Sa sobrang galit ni Rain ay nasuntok na niya ang pader. "Kalimutan mo na ang pagkakaibigan na to, Cloud. Kalimutan mo na din ang pinagsamahan natin noon, Lava. Kalimutan mo ng kakilala mo ako at kakalimutan ko na din na kakilala kita." Madiin na sabi ni Rain at nagtungo na para umalis. Patuloy pa din ang pag iyak ni Cloud.

*kring kring*

Agad na kinuha ni Cloud ang cellphone niya at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Cloud?! OMG Cloud!"

"Sino to?"

"Hala nakalimutan mo na agad kakambal mo?"

"L-lava?"

"Si Lava nga to! Pasundo naman kay Kuya Anjo dito sa airport oh! Thanks twin!"

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gustong gusto ko ng tapusin to :( Bwahaha last two or three chapters nalang ataaa? Or last chapter na yung next? Hahahhaa basta yun na yon lt ((((:

The Rain and The CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon