TRATC 29

7 0 0
                                    

Hi nais ko lang po na malaman niyo na tatapusin ko na ito kasi walang forever hehehehehe

PS. Hanggang chapter 30 nalang po ito. Pero hindi pa ending yon. End of first half palang yon ahahaha.

PPS. Ayoko ng happy ending so bye

------

CLOUD

"So ano na? Magkwento ka na!" Sigaw ni Ayumi saakin. Andito kami ngayon sa kwarto ko. Napagpasyahan namin na dumito nalang dahil nagtext si Rain na biglang sumakit ulo niya. "Huwag kang maingay ah?" Sagot ko sakanya. "Oo na!" Sigaw niya ulit. "Siya nga si Xander." Sabi ko sabay yuko. "Sabi na eh! Pero bat parang wala siyang maalala?" Tanong niya saakin. "Hindi ko alam. Basta ang sabi ni Mama, naaksidente daw siya sa States noon." Sagot ko. "Eh bat di mo pa sabihin sakanya?" Tanong niya. "Natatakot ako. Natatakot ako na baka isipin niya niloko ko siya. Natatakot ako na baka mawala siya saakin." Naiiyak kong sagot. "Pero pwede mangyari lahat ng kinatatakutan mo kung patatagalin mo pa yan. Mas masakit kapag nalaman niya yan mula sayo, lalo na ngayong mas lumalapit kayo sa isa't isa. Mas masasaktan siya. Kaya kung ako sayo, sabihin mo na habang maaga pa. Para di pa ganon kasakit." Sagot niya saakin. Agad naman akong napailing. "H-hindi ko kaya. Natatakot ako na baka hindi na maayos to. Natatakot ako na baka hindi niya ako hayaang magpaliwanag. Natatakot akong mawala siya sakin ulit." Umiiyak kong saad. Hinagod naman niya ang likod ko. "Hindi ba't mas maganda kung sabihin mo na? Para wala ng problema. Para kung di ka man niya mapakinggan ngayon, hintayin mo siyang maging handa sa tamang panahon. Hindi mo maaalis na masasaktan nga siya sa malalaman niya. Lalo na kapag nalaman pa niya na ikaw yung nang iwan nalang noon bigla. Pero isipin mo na mas magiging okay ang lahat kung aaminin mo na." Napapikit ako sa mga sinabi niya.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

RAIN

Andito ako ngayon sa bahay. Kakauwi ko lang. Pagkatapos kong makita ang initials na nakasulat doon ay tumayo nako agad at hindi na hinintay ang order ko. Sino ka ba talaga Cloud? May ibang pagkatao ka bang tinatago? Napailing nalang ako at tumayo para pumunta sa bahay nila Cloud. Kailangan ko siyang makausap.

Nang makarating ako kila Cloud, wala ang Mama niya kaya pinapasok na ako ng yaya nila. Pagkapasok ko sa kwarto niya'y naabutan ko siya na natutulog at si Ayumi na naglalaptop sa kama niya. "Uy Rain!" Bati ni Ayumi. Nginitian ko naman siya at umupo sa sofa. "Bat ka nandito?" Tanong niya. "Uhm gusto ko lang sana makausap si Cloud." Sagot ko naman. "Bakit?" Ayumi. "Tungkol lang to sa panyo niya." Sagot ko. "Rain, pano kapag nalaman mo na niloko ka ng isang taong malapit sayo? Magagalit ka ba?" Bigla niyang tanong. "Ha? Bakit mo natanong? Di ko alam. Siguro. Ewan. Depende sa dahilan niya." Sagot ko naman. "Pano kapag bumalik yung taong ayaw mong makita ulit at makasama ulit?" Tanong niya pa. "Ano ba yang mga tanong mo?" Kunot noo kong tanong. "Sagutin mo nalang." Masungit niyang sabi. "Edi itatanong ko sakanya kung bakit siya bumalik." Sagot ko. "Hindi mo siya lalayuan?" Tanong niya. "Depende nga sa dahilan. Teka bat ba ganyan mga tanong mo? Wala naman dito si Lava diba?" Tanong ko din. Agad naman siyang napatigil at napatitig kay Cloud. "Pano kung halimbawa, si Cloud at si Lava ay iisa?" Tanong niya saakin. "Hindi pwede yon." Pasigaw kong sagot. "Pwede! Kasi ayan oh! Yang Cloud na yan at si Lava mo ay iisa!" Sigaw niya din saakin. Agad naman akong napatigil. "P-paano?" Nauutal kong tanong. "Siya nalang ang tanungin mo." Sagot niya sabay balik sa ginagawa niya.

Si Cloud at Lava ay iisa? Paano nangyari yon? Hindi pwede. Tangina.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Last two chapters hehehehe bye

The Rain and The CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon