TRATC 27

8 0 0
                                    

3 chapters left :--)

-------------------------------------------------------------------------------------------

RAIN

Andito kami ngayon ni Cloud sa kwarto ko at naghahanap ng magandang panuorin. Wala na kaming mapili dahil halos lahat ng to ay napanood na namin. "Divergent nalang kaya ulit?" Tanong niya. Tumango naman ako at isinalpak na ang bala. Humiga na siya sa kama ko at nagkumot. "Hinaan mo nga aircon." Utos niya saakin. Hininaan ko naman ang aircon. Nag umpisa na ang movie at nag umpisa na din akong kumain ng popcorn. Tig-isa kami ng popcorn ni Cloud pero mas madami yung sakanya.

Wala pa sa kalahati yung movie ay narinig ko na ang maliliit na hilik ni Cloud. Agad akong napangitin sakanya at di mapigilang mapangiti. Kinuha ko ang cellphone ko at nagselfie kasama siya. Pinost ko sa IG ko. "Movie marathon daw." Yan ang caption. Binaba ko na ang cellphone ko at pinatay na ang TV. Matutulog nalang din ako.

***

Nagising ako nang may naramdaman akong may kumakalabit saakin. Pagtingin ko, nakita kong kinakalabit ako ni Mama. "Gumising na kayo. Ano oras na oh, di pa kayo naglulunch." Sabi niya. Agad akong napatingin kay Cloud na mahimbing pa din ang tulog. "Sige, Ma. Sunod nalang po kami." Tumango nalang si Mama at lumabas na ng kwarto.

"Cloud." Gising ko sakanya habang kinakalabit siya. "Gising na oy." Ayaw pa din niyang gumising. "HOY CLOUD MAY SUNOG!" Agad naman siyang napabangon at nagtatatakbo sa kwarto ko. "Asan?! Asan?!" Sigaw niya. Napatawa ako ng malakas sa naging reaksyon niya. Napahinto naman siya at sinamaan ako ng tingin. "Tangina mo!" Sigaw niya sabay sabunot saakin. "Aray! Hahahaha! Sorry na! Cloud! Aray!" Sigaw ko habang inaalis yung kamay niya sa ulo ko. Tumigil naman siya at inayos ang sarili niya. "Gutom na ako." Sabi niya habang naka-pout. "Tara na kumain." Sabi ko sabay hila sakanya.

Andito na kami ngayon sa kusina at nakaupo na kami sa upuan. Umalis si Mama dahil may aayusin daw siyang importante kaya kami lang ni Cloud ang nandito ngayon. "Kamusta ka naman?" Natanong ko nalang bigla. "Ayos naman. Ikaw ba?" Tanong niya habang nagsasandok pa ng kanin. "Ayos lang din. Gwapo pa din." Sagot ko naman. Inirapan niya lang ako. "Eh kamusta panliligaw mo kay Koru?" Tanong niya pa saakin. "Ewan ko ba. Parang nawawalan na ako ng gana." Sagot ko sakanya. "Bakit naman?" Tanong niya ulit. "Parang biglang nawala yung pagmamahal ko sakanya." Sagot ko. "Baka naman di mo talaga siya minahal? Baka infatuation lang yan?" Sabi niya. "Baka nga." Sagot ko nalang at tahimik na kaming kumain.

Nang matapos kaming kumain, niligpit ko na ang pinagkainan namin habang siya'y nasa sala at nanonood. Hinugasan ko na muna ang mga pinggan at pumunta na din sa sala. "Di ka pa ba uuwi?" Tanong ko sakanya. "Pinapaalis mo na ba ako?" Masungit niyang tanong. "Hindi naman. Baka lang hinahanap ka na ng Mama mo." Sagot ko. Tumango naman siya at nagpaalam na.

Hinatid ko siya sa may gate. "Ingat ka." Sabi ko sakanya. "Wow ang layo ng bahay namin ah." Sabi niya sabay tawa. Tumawa nalang din ako at pumasok na sa loob.

CLOUD

Andito na ako sa bahay. "Saan ka galing?" Pambungad na tanong saakin ni Mama. "Kila Rain." Sagot ko. "Bakit hindi ka nagpapaalam?!" Galit niyang sigaw saakin. Agad naman akong napatingin sakanya. "Ma, biglaan eh. Tsaka naiwan ko yung cellphone ko." Sagot ko nalang. "Punyeta naman Cloud! Ayan lang ang bahay nila oh! Pwede namang umuwi ka muna at magpaalam diba?!" Napayuko nalang ako. "Sorry, Ma." Sabi ko. Napailing nalang siya at umalis na sa harapan ko. Napabuntong hininga nalang ako at umakyat na sa kwarto ko. Nahiga nalang ako at nag-open sa facebook. Wala naman magawa dito. Ilo-log out ko na sana pero bigla akong chinat ni Rain.

Rain: Ayos ka lang?

Cloud: Oo naman

Rain: Magiging okay din kayo ng Mama mo :)

Cloud: Pano mo nalaman yan?

Rain: Sumunod ako sayo kasi naiwan mo panyo mo. Iaabot ko sana sayo pero bigla ka namang pinagalitan.

Cloud: Ah sige bukas mo nalang ibigay

Rain: Wala pasok bukas oy :p

Cloud: Odi sa Monday sus

Rain: Sige misis

Cloud: Ha baka misis

Rain: Hahahahaha

Di ko nalang siya nireplyan dahil tinatamad na ako. Pero anong panyo ba yung naiwan ko sakanya? Hayaan na nga.

---------------------

Clue: Initials

The Rain and The CloudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon