Ha wtf ewan ko pero naiinis ako sa mga taong magaling lang kapag may kailangan :--) tangina lang with feelings and matching colors :) tamaan sana kayo ng sampung libong cactus hehe bye
-
A/n: Jamming lang yung mga countdown ko bwahahaha! Pero konting chapters nalang talaga pramis ;)
Nga pala, sali kayo sa channel namin sa telegram hehehe https://telegram.me/magandasipat go masaya dyan pramis
RAIN
Napabuntong hininga nalang si Ayumi at umalis na sa bahay nila Cloud. Nandito pa din ako sa kwarto niya. Nakatayo sa tabi ng kama niya at tinititigan siya sa mukha. Totoo kaya lahat ng sinabi ni Ayumi? Pero baka naman ginagago niya lang ako? Baka trip niya lang ako? Baka wala lang siyang magawa sa buhay niya? Kasi puta hindi ko talaga alam kung ano gagawin ko kung totoo lahat ng yon. Napailing nalang ako at umupo sa may upuan dito sa kwarto niya.
(A/n: Yung mga naka-italic dito eh yung mga flashbacks. Hehe salamat)
Andito ako ngayon sa bahay namin sa States. Ayokong lumabas dahil bago palang kami dito. Baka maligaw pa ako.
Nakatingin lang ako sa bintana ko dito sa kwarto. Tinitignan ko yung mga taong dumadaan. Nang masagi ang tingin ko sa isang babae na gumagawa ng snow man. Ewan ko pero nastuck lang sakanya yung tingin ko. Napatawa ako nung makita kong nasira yung ginawa niya. Napakamot siya sa ulo niya at humiga nalang sa may snow.
"Nakakainis!" Rinig kong sigaw niya. Ah, Pinay pala to? Akala ko hindi eh. Hahahaha. Mas lalo pa akong natawa nung nakita kong nagpagulong gulong siya sa snow.
Di ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sakanya. "Hoy! Kanina ka pa nakatingin ah?" Sigaw niya saakin. Agad naman akong nag iwas ng tingin at ibinaba na ang kurtina. Nahihiya ako eh.
Naalala ko yung unang pagkikita namin ni Lava sa States.
First day of School. Wala akong kakilala kahit isa. Pagkapasok ko sa classroom namin, nakita ko yung babae na gumagawa ng snow man noon. Wow di ko ineexpect na magiging kaklase ko siya. Dahil wala na ang hiya ko ngayon ay tinabihan ko siya. Agad naman siyang napatingin saakin. "Hoy! Diba ikaw yung grabe kung makatitig saakin?!" Tanong niya. "Hahahaha sorry na!" Sabi ko sakanya. "Hmp!" Sabi niya sabay irap saakin. Bwahahaha ang cute niya.
"Ako nga pala si Xander." Sabi ko sabay lahad ng kamay. "Lava!" Masaya niyang sabi sabay tanggap ng kamay ko. May kung anong kuryente akong naramdaman pero binalewala ko nalang yon.
Nakatitig pa din ako kay Cloud hanggang ngayon habang iniisip ang mga nangyari noon sa States.
Recess na. At kasabay ko pa din si Lava hanggang ngayon. Sabi niya kasi 'super duper mega best friends' na daw kami. Andito na kami sa canteen. Nakapila kami para makabili ng pagkain.
Nang makakuha na kami'y agad kaming nakakita ng bakanteng upuan. "Dito ka na ba titira?" Tanong niya saakin. "Hindi. Dalawang taon lang ako dito tapos babalik na din ako sa Pilipinas. Ikaw ba?" Sagot ko sabay tanong din sakanya. "Ah, hindi ko alam eh." Sagot niya at nagpatuloy sa pagkain.
Nakatitig pa din ako sakanya. Inaalala yung mga nangyari noon. Naalala ko yung araw na naamin ko sa sarili ko na may gusto ako sakanya.
Andito kami ngayon sa tapat ng bahay namin at gumagawa ng snow man. Kasama ko si Lava at nakahiga nalang siya ngayon sa may snow dahil nasira nanaman yung ginawa niya. "Lagi nalang nasisira!" Sigaw niya sabay pagulong nanaman. "Ayos lang yan! Pwede ka naman gumawa ulit eh." Sagot ko sabay higa sa tabi niya. "Pero kasi paulit ulit nalang. Nakakasawa na." Sagot naman niya. "Ano ba mangyayari kapag nabuo mo yan?" Tanong ko. "Humingi kasi ako ng sign na kapag nabuo ko yan, aamin na ako sa crush ko." Sagot niya.
Parang nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko. Parang sumakit na ewan. "Huwag mo na buoin." Nakasimangot na sabi ko. Agad naman siyang napatingin saakin. "Ha? Bat naman?" Nagtatakang tanong niya. "Ewan ko." Sagot ko nalang. "Bwahahaha alam ko na! Selos ka noh?" Tanong niya sabay tayo. "Huwag ka mag alala, aamin na ako sayo kapag nabuo ko yan." Dugtong niya sabay pasok sa bahay nila.
T-teka, ano daw?!
Agad akong napangiti.
"Yaaayy nabuo ko na!" Rinig kong sigaw ni Lava mula sa labas. Andito ako sa may kwarto ko at nakasilip lang sa may bintana. "Hoy Xander! Nabuo ko na!" Sigaw niya saakin. Tumango naman ako at bumaba.
"Wow! Galing ah!" Sabi ko sakanya. "Xander, aamin na ako sayo." Parang nahihiya niyang sabi. "Ano yon?" Tangina para akong bakla na kinikilig dito. "Uhm, crush kita hehehehe" Nahihiya niyang sabi at nakita kong nagblush siya. Napangiti naman ako. "Ako din." Sagot ko sabay ngiti sakanya. "T-talaga?!" Gulat niyang tanong. Tumango naman ako at agad niya akong niyakap.
Cloud, ikaw ba talaga si Lava? Pero bat parang wala akong maalala? Bat parang di kita nakilala?
3 months na kami ni Lava. Sa loob ng 3 months, masasabi kong masaya kami. Di maiiwasan na magkaaway pero nagkakaayos din naman. Part yon ng isang relasyon diba? Pero ang nakakapagtaka, tatlong araw ng hindi nagpaparamdam si Lava. Pinupuntahan ko sakanila pero wala namang tao. Baka naman umalis sila?
Pero dahil makulit ako, andito ulit ako sa tapat ng bahay nila. "Uy!" Sigaw ng isang babae. "Ano ginagawa mo dyan?" Tanong niya. "Ah wala. Asan yung mga nakatira dito?" Tanong ko. "Sila Lava? Wala na sila. Umalis na." Sagot niya. "H-ha? Saan sila n-nagpunta?" Tanong ko ulit. "Ewan ko. Teka, ikaw ba si Xander?" Gulat niyang tanong. Tumango naman ako. "Ayun! Ako si Ayumi. Pinapabigay pala to ni Lava." Sagot niya sabay abot ng letter. "Sige alis na ako." Paalam ko at tumakbo papasok sa bahay.
Umupo ako sa kama ko at binuksan na yung letter.
Xander,
Alam ko kapag nabasa mo to eh wala na ako. Hindi patay ha? Ibig ko sabihin, wala na ako dyan. Sorry kung di ko masabi sayo ng personal. Natatakot kasi ako na baka masaktan ka. Sana maintindihan mo ako. Biglaan din kasi to eh. Para sa pamilya ko to. Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita. Salamat sa lahat lahat. Salamat kasi tinanggap mo ako ng buong puso. Sana wag kang magalit saakin kahit na iniwan nalang kita bigla. Sana pag nagkita tayo, masaya ka pa din kahit na alam kong sinaktan kita. Alam ko dadating yung araw na may mamahalin ka ng iba, pero sana lagi mo tatandaan na ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Sana mapatawad mo ako. I'm sorry, Xander. I'm sorry.
-Lava.
Agad akong napapunas sa luha ko at napailing. Hindi. Hindi niya ako iniwan. Alam kong malakas ang trip ni Lava. Umiling ulit ako at tumakbo papalabas para hanapin si Lava.
Pero di ko nagawa.
*beep beep!*
*boogsh!!*
Napahinto ako. Tangina, bat ngayon ko lang naalala to? Bat ngayon ko lang naalala na naaksidente nga pala ako?
T-teka. Bat andito ako sa kwarto ko? Diba andon lang ako sa kwarto ni Cloud?
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sorna sa mga soundfx HAHAHAHA
:)
