Chapter Two

158 21 8
                                    


Chapter Two

Nakikita mo rin?

LOKI'S POV

"Ayos ka lang Captain?"

Napalingon ako sa mga taong nakapaligid ngayon sa akin. May isa pa sa kanila ang nag-abot ng kamay para tulungan akong tumayo pero tinabig ko lang ang kamay n'ya. This is so fvckin' gay! They heard me scream to death! Padabog akong tumayo at hindi na nilingon pa yung whatever creature na nakita ko. Nagmamadali akong nagtapis ng tuwalya.


UNKNOWN'S POV


No. This can't be! Am I-dead? God, no. Tinignan ko ang sarili ko at parang normal pa rin naman ako pero bakit tumagos s'ya sa katawan ko? Naramdaman ko ang init ng katawan n'ya nung tumagos s'ya sa'kin. Ibubuka ko sana ang bibig ko para magsalita dun sa lalaki at tanungin kung ayos lang s'ya pero hindi ko na nagawa pa dahil galit s'yang tumingin sa'kin at sumigaw sa takot.


Nag-uunahang pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata. Takot? Multo na lang ba ako? Multong katatakutan? Paanong nangyari 'to? Bakit?


Nakita kong nagmamadaling umalis yung lalaki na tumagos sa'kin. Ni hindi ako nakahingi ng paumanhin sa kanya dahil parang hindi ko maigalaw ang mga paa ko sa takot. Mismong ako ay natakot sa nangyari. Sino ba ako? Ano'ng ginagawa ko rito? Gulong-gulo ang isip ko. Nung makahuma ako, sinubukan kong kausapin yung mga lalaking naka-jersey pero hindi nila ako pinapansin. Tuloy lang sila sa kani-kanilang ginagawa.


Hindi nila ako nakikita? Ni hindi rin nila ako naririnig o nararamdaman! Bakit ganito? Pero bakit nga pala ako nakikita nung lalaki kanina kung multo na ako?


Isa lang ang pumasok sa isipan ko. Kailangan ko ulit makausap yung lalaking yun.


Lumabas na ako sa lugar kung nasaan ako kanina. Naglibot-libot ako at napag-alaman kong nasa isa akong school. Malawak ang eskwelahan at halatang pang-mayaman 'to dahil sa mga de-kotseng mga estudyante. Akala ko tuloy isa itong bilihan ng mga sasakyan sa dami eh. Halos naikot ko na ang buong lugar pero parang hindi ako nakakaramdam man lang ng pagod. Physically, 'di ako napagod dahil wala naman akong physical something pero napagod na akong humanap ng pwedeng kumausap sa'kin. Ano ba naman 'to! Wala akong makadaldalan! No choice talaga ako kungdi hanapin ulit yung lalaki kanina. Binasa ko pa yung malalaking letra na nakaukit sa gate. Tanaw na tanaw kasi ito sa buong school.Williams University? Dito rin kaya ako nag-aaral? Masyadong pamilyar sa'kin yung Williams University na 'to pero mas pamilyar sa'kin ang boses na naririnig ko ngayon. Hinanap ko kung saan ko narinig at namalayan ko na lang na nandito na naman ako sa lugar na 'to. GYM. Dinala na naman ako ng paa ko dito at syempre alam ko na kung bakit. And there he is!


"Marco!" Narinig kong tawag n'ya sa kasamahan n'ya na may hawak ng bola ngayon. Ipinasa sa kanya nung Marco na yun ang bola na hawak nito. Seryoso ang mukha ng lalaking tinawag na captain kanina at tumatakbong nagdribble ng bola palapit sa ring. Sa sobrang liksi n'yang kumilos ay walang kahirap-hirap n'yang nai-shoot ang bola. Halos mabingi naman ako sa tilian sa paligid. Nilibot ng mga mata ko ang paligid ng court at napansin kong halos kababaihan ang mga nanonood sa tingin ko ay practice game ng mga varsity player ng basketball. May mga banner pa silang hawak-hawak. Pinagmasdan ko ang nakasulat sa mga banner nila. Go Captain! A A R O N L O K I S A N D E R S WE LOVE YOU! So Aaron Loki Sanders pala ang pangalan n'ya? At hindi maitatangging sikat pala s'ya sa school na 'to. Loki ang isinisigaw ng mga kababaihan kaya sa tingin ko, mas kilala siya bilang Loki kaysa Aaron.

Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon