Chapter Twenty-Two

53 11 11
                                    


CHAPTER TWENTY-TWO

Bente-kwatro oras

PSYCHE'S POV

Maaga ang call time sa school para sa activity ngayong araw. Maraming estudyante ang may dalang malalaking bag/maleta samantalang si Riley naman ay isang malaking backpack lang ang dala. Si Loki naman ay may backpack na, may maleta pa. 




Dinala niya ata yung buong bahay nila. Natanaw ko namang papasok na si Croft sa may gate ng Williams. He's late. Very unusual of him..





"Saang bus ka sasabay?", tanong sa'kin ni Riley. Bawat grupo kasi ay may mini bus na sasakyan. Si Riley ay kasama sa bus ng grade 12 kaya hindi namin siya makakasama.




"Sa amin siya sasabay. Si Croft ang nag-aya sa kanyang sumama.", matabang na sagot naman ni Loki.




 Psh. Bastos nito! Ako 'yung tinatanong tapos siya yung sumasagot. Umismid ako sa kanya at hinarap si Riley.





"Iisang bundok lang naman yung pupuntahan natin di ba? Sa tribong Wuul din kayo naka-assign diba?", tanong ko kay Riley.





"Oo dun din 'yung grupo namin. See you there!", aniya bago tumungo na sa bus na sasakyan nila. Kumaway kaway pa siya sa akin bago tuluyang sumakay sa bus.




"Tss." Palatak naman ni Loki. Dakilang epal. Psh!





"Guys, tara na! Ayun yung bus natin oh.", tawag sa'min ni Croft kaya dumiretso na kami sa bus na itinuro niya.




 Tatlong grupo lang ang makakasama namin sa isang bus kaya marami pang bakanteng upuan. Mga rich kids kasi kaya hindi pwedeng siksikan dito sa bus. Sinasalubong ng isang lalaki ang mga pumapasok sa loob para kunin ang mga gamit na dala ng mga estudyante. Sumunod naman ako kila Loki sa pagpasok. 




Himala ng mga himala at hindi ko pa natatanaw ang pagmumukha ni Luna the LUNAtic. Napahagikhik naman ako sa naisip kong nickname para kay pabebe girl. 

Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon