Chapter Twenty-Three

56 11 9
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

What's with the emoticons?!!

PSYCHE'S POV


"Psyche! Gumising ka!", naulinigan kong tawag ni Croft pero nakatingin siya sa maling direksyon. Hindi niya nga pala ako nakikita.





"Hmm?", ungol ko bilang sagot na nagising na ako. Lumingon naman siya sa gawi ko nung marinig ako.





"Glad you're awake. Nakatulog ka pala kaya hindi ka na nagsalita d'yan. Nagulat na lang ako nung sumigaw ka ng mama. Nanaginip ka ba?"




Naalala ko bigla yung panaginip ko. Anak ng kurimaw! Sabi ko hindi ako makakatulog pero anong nangyari? Psh. Minsan talaga kahit gaano kagusto ng isip mo, hindi nakikisama ang katawan mo, isama mo pa ang tadhana na magta-traydor sa'yo! Hindi ko tuloy nabantayan yung dalawa sa unahan ko.





"Oo eh. Hindi ko alam kung panaginip ba 'yun o hindi", sagot ko.




Umusog pa siya ng kaunti palapit sa'kin. "Bakit?", bulong niya.




"Feeling ko, nangyari na talaga sa'kin 'yung nasa panaginip ko. Nakita ko 'yung mama ko."




"Nakita mo? Ano'ng itsura? Naaalala mo ba 'yung lugar? Amoy? Anything?", aniya sabay tipa ng kung ano sa laptop niya.





Binalikan ko naman ang mga pangyayari sa panaginip ko bago sumagot. "Malabo yung mukha niya, hindi ko nakita pero 'yung paligid amoy na amoy ko ang halimuyak ng mga bulaklak pero biglang nagbago yung amoy nung lumapit ako sa mama ko. Naging amoy alcohol.."





"Alcohol? Alcoholic ang mama mo?", tanong niya sa'kin nang hindi tumitingin at naka-focus lang sa monitor ng laptop niya.





"Hmm. Hindi 'yun. Alcohol.. parang amoy ospital.."





Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon