Chapter Twenty-Five

61 11 12
                                    

Yumii's Note: Salamat sa mga comments niyo :) Para sa inyo ang update na 'to. :* <3

CHAPTER TWENTY FIVE

Luwalhati

PSYCHE'S POV

May kung anong kinukwento sa'kin si Riley pero parang ibang lenggwahe ang naririnig ko sa kanya kaya hindi ko maintindihan o baka dahil yung atensyon ko ay nasa dalawang nasa likuran namin? Bakit naman kasi sa'min pa dumikit si Luna? Bakit ba kasi inis na inis nga ako?




Ahhhhhh! Ewan!





"AAAAAAAAHHHHHH!!", nagsitigil lahat ng mga estudyante sa panpanik sa bundok dahil sa matinis na tili ng isang batang babae.





Batang babae na nakatingin sa'kin. Don't tell me...





"NAKIKITA MO AKO?", gulat na gulat na tanong ko dun sa bata at tinuro turo ko pa ang sarili ko.




 Ang batang babae na ito ay may kakaibang kasuotan na sa tingin ko ay damit pang-tribo. Hindi naman maaaring kaluluwa rin siya kagaya ko dahil narinig ng lahat ang sigaw niya. Maitim ang kulay ng kanyang balat na mukhang palaging babad sa ilalim ng sikat ng ataw. Kulot naman ang hanggang balikat niyang buhok at may markang nakasulat sa noo niya na hindi ko maintindihan ang nakasulat.





"Totoo nga ang sabi nina Impo! May mga ligaw na kaluluwa sa mundo ng mga buhay!!!", muling sigaw ng bata. Nagkatinginan naman kami nila Croft na hindi makapaniwala sa nangyayari. Bago pa kami maka-react ay tumakbo na palayo yung batang babae.




"Teka lang!! BATA!!!!", tawag ko sa bata pero hindi man lang siya lumingon. Nagtatakang nakatingin naman sa'min ang ibang estudyante. Dinaluhan naman kami ng isang teacher at isang tour guide ata?





"Ayos lang ba kayo?", tanong nung teacher sa'min. Tumango naman sina Croft bilang tugon.





"Harmless naman ang mga tribong nakatira dito. Very territorial lang talaga sila. Nakahati kasi sa tatlong tribo ang nakatira dito kaya siguro sinadyang manakot nung bata para umalis tayo. Inakala niya sigurong nagmula tayo sa ibang tribo. 'Wag kayong matakot, wala naman sigurong ligaw na kaluluwa dito. Ligaw na mga tao siguro pwede pa..", natatawang sabi naman nung tour guide.

Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon