CHAPTER EIGHT
Exemption
PSYCHE'S POV
Hindi ako makapaniwala. Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid. Gahd. Bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga ko. Nakaupo na ako ngayon sa kama. Is this really possible? Nakatulog ako sa kwarto ni Loki! NAKATULOG. Paano nangyari 'yun? After two weeks, ngayon lang ako nakatulog. Grabe. Lagi talaga akong nasusurprise sa mga nangyayari sa'kin.
Wala na sa kama si Loki kaya hinanap ko s'ya sa buong kwarto. Nagtataka kasi ako kung bakit hindi n'ya ako ginising at ipinasok sa vacuum cleaner. OMG! Naalala ko na naman yung nangyari kagabi at biglang uminit na naman ang magkabilang pisngi ko. Marahan kong sinampal sampal ang sarili ko. "Baliw ka Psyche! Bakit ka ba naaapektuhan sa Loki na 'yun?", I scolded myself. Ugh! That jerk!
Teka. Nakakapagduda 'to ah! Pumasok s'ya ng school at hindi ako pinalayas sa kwarto n'ya? Psh. Malamang may inihahandang patibong ang unggoy na 'yun. I need to be ready!
Nakumpirma kong nakapasok na s'ya ng school matapos kong libutin ang pagkalaki-laki nilang mansyon. Nakakaloka sa laki! Mabuti na lamang talaga at invisible ako sa paningin ng mga tao kungdi malamang naloka na sila na may lumabas na babae sa kwarto ni Loki. Ugh! Naalala ko na naman 'yung kagabi! Wala naman kaming ginawang milagro pero bakit ba feeling ko nakakahiya yung nangyari? Syempre babae pa rin ako tapos natulog akong katabi ang isang lalaki? Moral values, wherefor art thou?
~*****~
Thanks sa pagiging invisible at naka-free ride ako papuntang Williams University. Naisip ko kasing mahirap mag-stay sa bahay ni Loki dahil baka may inihanda s'yang trap or something para gumanti sa pag-invade ko ng privacy n'ya at mas madali 'yun kung nasa isang lugar lang ako at sa devil's lair pa! Unlike dito sa school, malawak ang pwede kong takbuhan kaya hindi n'ya ako matatakot ng vacuum cleaner.
"Akala n'ya maiisahan n'ya ako? Hindi uy!", bulong ko at hinimas himas ko pa ang baba ko. I walked with full of confidence. I laughed hard.Mas mautak ako sa kanya.
Habang binabagtas ko ang corridor patungo sa room 205, nakita ko na naman s'ya.Parang may kung anong humihila sa'kin para lapitan s'ya at namalayan ko na lamang ang sarili ko na sumusunod sa lalaking 'yon. Teka, bakit lumihis s'ya ng daan? Hindi naman 'to yung patungo sa room 205 ah? Sa room 205 ang classroom nila ni Loki pero mukhang magka-cutting classes si kuya! Gayunpaman, sinundan ko pa rin s'ya.

BINABASA MO ANG
Know it by Heart and Soul (COMPLETED)
FantasyHilltop Series #1 Loki has everything that a girl could ask for, money, looks, intelligence? He has it all. Ang hindi lang n'ya matanggap ay kung bakit pati ang pagkakaroon ng third-eye ay mayroon din s'ya? At ang nakapagtataka, sa dinami-dami ng ta...