Chapter Thirteen

76 13 15
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Tug of War


PSYCHE'S POV


Last 2 days na lang ng Foundation Week pero hindi naman ako nag-enjoy. Mabuti na lang talaga at inaya ako ni Riley na sumama sa school ngayon kaysa magmukmok ako sa kusina ng mansyon nila Loki. Hindi ko sya hinarap kagabi dahil inis na inis ako sa kanya. Wala naman akong pakialam kung inuna nya yang si Luna kaso hello? May usapan kami! Ang usapan ay usapan period.





Umaga pa lang ay nagmamadali na kaming pumunta dito sa school dahil marami raw aasikasuhin 'tong si Riley. Hindi naman n'ya sinabi na 'yung aasikasuhin pala n'ya dito ay ang makipaglandian sa mga babae. Boys will be boys. Napailing na lang ako at naglakad palayo kay Riley na kasalukuyang may kaakbay na babae.




Hahanapin ko na lang si Croft para may makausap naman akong matino. Alam kong busy si Croft bilang Auditor ng SC kaya ang hirap niyang hagilapin. Habang hinahanap ko s'ya ay nag-ikot ikot na din ako sa buong school. Makulay ang paligid dahil sa iba-ibang pakulo ng bawat clubs. At dahil dalawang araw na lang ang natitira para sa Foundation Week, mas buhos ang activities ngayon. Ang bawat clubs ay may kanya-kanyang kulay ng tee shirt kaya mas madaling malaman kung saang club nabibilang ang mga estudyante.





Nagtipon-tipon ang lahat sa soccer field ng school para sa set of activities na gagawin ngayong araw. Required na sumali ang lahat kungdi ay wala silang permit para sa finals. Hiwalay ang senior high school kaya pumunta ako sa mga grade 11 dahil tiyak kong nandoon si Croft. Napangiti ako nang makita ko na si Croft sa bandang unahan at nagli-lead ng gagawin sa mga kapwa niya grade 11. Agad na napawi ang ngiti sa labi ko nang magtama ang mata namin ng isang unggoy na nasa likod ni Croft.





Agad akong nag-iwas ng tingin dahil wala akong balak makipag-plastikan sa kanya. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo no!




Teka mali. Parang ang dating ay may gusto ako sa kanya?




Ugh! I mean, hindi lang siya ang lalaking pwedeng tumulong sa akin.




Nandyan naman si Riley at Croft.





Nanatili na lang muna ako sa kinalalagyan ko at hindi na muna lumapit kay Croft. Namataan ko naman si Luna na may hawak ng mikropono at nagsimulang mag-speech tungkol sa history ng school at kung ano ano pang bagay na wala naman akong paki.

Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon