Chapter Seven

87 18 5
                                    

CHAPTER SEVEN

Nightmares

PSYCHE'S POV



Sometimes you don't always need a plan, you just need to breathe, trust, let go, and see what happens~





Batid kong bilang isang ligaw na kaluluwa, hindi na ako kagaya ng normal na tao na malayang gawin ang mga bagay na nais nila. Maski ang matulog, ipinagkait na rin sa akin kasi hindi na 'ko nakakaramdam ng antok. Ang daya, 'yung antok hindi ko na maramdaman pero bakit yung emosyon ko nandito pa rin? Nagmamadali kong pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko.



Wow? May fluid pa ba 'ko sa kaluluwa at may luha ako? Buti hindi tumagos 'to? Tumawa ako ng mapakla. Ano kayang nagawa kong kasalanan para parusahan ako ng ganito?




Kakaiba ang pakiramdam ko bilang isang kaluluwa. Dahil nahahati ako sa mundo ng mga buhay at mundo ng mga patay, feeling ko isa akong hybrid. Kalahating buhay, kalahating patay. Yung luha ko, parang kaluluwa rin ng luha ko sa mundo ng mga buhay. Gets n'yo?




Ibig sabihin, hindi rin s'ya makikita ng iba.I sighed. Malungkot akong tumungo sa kama ni Loki. Nalulungkot kasi ako at walang magawa dito sa bahay niya. Sinigurado kong mahimbing na ang tulog n'ya dahil kapag nakita n'ya akong lumapit sa kama n'ya, baka tuluyan n'ya na akong ipasok sa vacuum cleaner. Napailing ako ng marahas matapos maalala ang kangila-ngilabot na itsura ng vacuum cleaner. Ayokong mapasok dun!





Alam kong delikado ang lumapit sa kanya habang natutulog s'ya pero masisisi n'yo ba akong mabored kung kapag walang pasok sa school eh pinapag-stay lang n'ya ako sa likod ng kurtina sa may living room? Kainis nga kasi mas gusto kong sumama na lang sa bahay ni Croft kaso bawal din daw. No choice kungdi magbehave muna habang hindi pa ako nakakahanap ng paraan para makabawi kay unggoy.




Umupo na ako sa may gilid ng kama n'ya at pinagmasdan ang maamong mukha ng tulog na unggoy. "Haaaay. Sana palagi ka na lang tulog para maamo kang tignan".





Parang ang gaan sa pakiramdam ang kausapin s'ya kahit tulog s'ya. Ang mahalaga, hindi ko nararamdaman na mag-isa lang ako. Peste. Tumutulo na naman ang luha ko.





Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon