Last Chapter

26 3 4
                                    

Chapter Thirty-One

LOKI'S POV

Ngayon ang araw na pinakahihintay naming lahat. Eto na ang huling court hearing para hatulan si uncle Greg sa lahat ng atraso n'ya sa pamilya namin at kila Yumiko.

Pagbangon ko ay mayroon ng nakahandang chocolate drink sa lamesa.

Napangiti ako nang may maalala.

Nagmamadali rin akong umalis at nagbilin kay Nana Celia na iayos na ang mga gamit na dadalhin ko sa Japan.

***********************************

Guilty.

That was the verdict of the court.

Sa wakas, nabigyan din ng justice ang lahat ng kasamaang ginawa ni Uncle Greg.

Hindi ko lubos maisip na may mga tao palang kahitt kadugo mo na e handa pa rin manakit or pumatay ng dahil sa pera.

Napailing na lang ako. Mabuti na lamang at saktong kauuwi lang ni Uncle Greg from his business trip nang lumabas ang warrant of arrest n'ya. Ilang court hearings na nga ba ang na-attendan ko? Hindi ko na maalala sa dami.

Napakahaba ng proseso pero ganunpaman, ang mahalaga ay nahuli at nakakulong na ang taong sumira ng buhay ko.

Uncle Greg's Wife, Aunt Veronica does not know anything about what my uncle did. Maski ang anak n'yang si Grey ay hindi alam ang krimeng ginawa ng ama.

Nakakalungkot tignan ang umiiyak na mag-ina ngayong nahatulan na ng habang-buhay na pagkakakulong si Uncle Greg.

For sure Yumiko will be happy with the verdict.

Holy crap. I almost forgot.

What time is it? Oh. 3pm.

Makakahabol pa ako.

Nagmamadali akong sumakay sa kotse dahil kailagan ko ngapalang dumiretso kay Yumiko bago lumipad patungong Japan para sa isang meeting tungkol sa pakikipagsosyo namin sa isang malaking kompanya doon.

Kasama ko doon ang daddy ni Riley na ngayon ay pansamantalang nagma-manage ng Sanders Corporation.. maski ayaw n'ya.

Two years na ang nakakalipas since mangyari 'yun.

Pero parang kailan lang.. ang bilis bilis talaga ng panahon.

Ini-start ko na ang makina ng kotse ko at pinaandar ito. Tumunog ang phone ko.

"Where the hell are you Loki? Kanina pa kami nag-aantay dito!", bulyaw ni Croft sa'kin pagkasagot ko ng telepono.

"Kakatapos lang po kasi ng court hearing boss Croft, I'm coming" ani ko.

"Oh.. Ngayon ngapala 'yun. Kamusta?"

"Of course he is guilty.", sagot ko. "Anyway, I'm driving. Call you later. Have to buy flowers for Yumi." pagkasabi ay ibinaba ko na ang phone ko.

Huminto muna ako sa sikat na bilihan ng bulaklak dito sa Hilltop.

"Para sa girlfriend n'yo po ba? Eto po maganda, Magnolia flowers. Magugustuhan n'ya po ito" ani ng tindera.

Napangiti ako. Ang galing ni ateng tindera. Maganda nga ang mga bulaklak na 'to. Bagay na bagay kay Yumiko.

"Sige kunin ko na 'yan. Magkano?"

"675 po sir", sagot nito.

Pagkabayad ay dali dali na akong nagmaneho patungo kay Yumiko.

Tiyak kong maiinis 'yun na late na naman ako.

Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon