Chapter Six

88 18 6
                                    

CHAPTER SIX

PSYCHE'S POV

Salt and Garlic


Sa isang mamahaling coffee shop napili nila Croft at Loki na ilaan ang oras nila ngayong Sabado. Actually, si Croft ang may ideya na pumunta kami dito para naman daw maganda ang ambience kapag ininterview na nila ako.




Alam kong nagtataka kayo kung paano na naman n'ya napilit 'tong unggoy na kasama namin, well maski ako rin eh. Napapahanga na talaga ako nitong si Croft sa convincing ability n'ya.Isang linggo ko na rin silang kasama pero hindi ko pa rin alam kung paano nagagawa ni Croft 'yun.




Ang alam ko lang ay may sinabi s'yang about sa isang picture tapos padabog ng sumama si Loki sa'min. Nakaka-intriga na tuloy yung picture na 'yun. Kailangan daw kasi ni Croft si Loki sa gagawin n'yang interrogation sa'kin.




"Tell me Croft, ano ba'ng mapapala mo dito?", nakahalukipkip na saad nitong si unggoy. Psh. Napakasungit! Porket ang cute n'ya sa blue sweater at gray jogger pants na suot n'ya akala mo kung sino ng hari! Mukhang bored na bored na s'ya kahit kadarating lang namin.




Bakit hindi na lang n'ya kaya ienjoy yung masarap n'yang kape? Ako nga gustong gusto ko uminom nung kape pero hindi pwede. Naaalala ko lang ang masaklap na pangyayari sa amin ni precious water.




Luminga naman ako sa paligid habang hinihintay na magsalita sa Croft. Vintage ang theme ng coffee shop. Mukhang mamahalin talaga dahil kakaunti lang ang mga customers na pumapasok. May maliit din na library dito.




"I know you wouldn't understand me Loki but this is what I wanted in my life. I.. I wanted to know the truth about after life. Gusto kong madiscover kung may chance ba talaga na makausap natin 'yung mga taong wala na dito sa mundo", ani Croft.




Akala ko weird lang 'tong si Croft pero super weird pala s'ya. I mean may sense naman pala 'yung pagkahumaling n'ya sa mga kagaya ko. Nagtaka naman ako sa reaksyon ni Loki matapos s'yang sagutin ni Croft. Para kasi s'yang natigilan. Para bang may na-hit na spot sa pagkatao n'ya 'tong si Croft. Huh! E di natahimik s'ya! Siguro nagulat s'ya na sumasagot na sa kanya 'tong si Croft.




"Okay lets start Psyche. Sana 'wag kang ma-ooffend pero sisimulan natin 'to sa physical aspect. I mean kailangan kang idescribe ni Loki sa'kin para madetermine natin kung ilang taon ka na ba or kung may kakaiba ba sa suot mo na pwedeng makatulong sa'tin sa pag-alam sa pagkatao mo."

Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon