Chapter Five

88 16 5
                                    

CHAPTER FIVE

I hate indifference.


PSYCHE'S POV



U to the G to the H! UGH! Nakakagigil talaga 'yung Loki na 'yun! Hanggang sa pagtulog n'ya, katabi n'ya 'yung vacuum cleaner kasi baka daw pagnasaan ko pa s'ya. Kainis! Ang kapal kapal ng mukha n'ya. Naalala ko na naman yung kagabi!




"Loki, sorry talaga sa mga nabasag na vases. Ikaw naman kasi eh.", hinging paumanhin ko kay Loki dahil pinayuhan ako ni Croft na magpakumbaba kasi kailangan daw namin si Loki para madiscover ang pagkatao ko at bakit nandito pa ang kaluluwa ko. Dapat kasi hindi muna umuwi agad si Croft! Kailangan ko s'ya dito huhuhuhuhu!




"Nagso-sorry ka ba o naninisi?", nakangisi n'yang sagot. Kainis talaga! Ako na 'tong nagsorry tapos aarte pa s'ya? Aba matindi kuya! HUUUUU! Kailangan kong kumalma at 'wag magalit. I have to be nice para naman tulungan n'ya na kami.




"Syempre nagso-sorry.", pa-humble at malumanay kong sagot, take note malumanay! pero deep inside gusto ko na s'yang sakalin!




"Too late. Nabasag na ang mga vases ko dahil sa'yo." O diba ang sarap n'yang sakalin? Huminga ulit ako ng malalim bago magsalita.




"Huh? E ang yaman yaman mo naman kaya makakabili ka ng bago" Patience pa Psyche, konti pa.




"K"



Aba't! K lang ang isasagot n'ya sa'kin? Ang hirap kayang mag-sorry tapos K lang ang sasabihin n'ya? Teka, nasa'n na s'ya? Nawala na lang s'ya basta sa harapan ko. Nagpapadyak ako na parang bata. Naiinis kasi ako dahil napakabastos nung lalaking 'yun! Nagsasalita pa 'ko tapos bigla s'yang aalis ng hindi nagpapaalam? Natagpuan ko s'ya sa kama n'ya at prenteng natutulog na. MaSaTu pala 'to? Masandal tulog!




Malaya kong napagmasdan muli ang maamo n'yang mukha. Maamo ang mukha n'ya kapag tulog tapos mukhang halimaw kapag gising! Ay nako. In fairness, ang haba talaga ng mga pilik-mata n'ya, dinaig pa ang sa'kin, nakakaloka ka kuya! At ang puti n'ya ah? Palibhasa rich kid. Umupo na 'ko sa may gilid ng kama n'ya para mas makita ko yung mukha n'ya. Gosh! Bakit parang walang pores sa kinis ang mukha nito? Nakaka-tempt hawakan. Bago ko pa man masaway ang kamay ko, natagpuan ko na lang ang sarili ko na akmang hahaplusin na ang mukha ni Loki.

Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon