CHAPTER EIGHTEEN
Manhid
ELDRIC'S POV
Bago ang performance namin ay nahagip ng mga mata ko si Marco Yuan. May kausap siyang dalawang babae na tingin ko ay hindi taga-Williams. Inimbitahan niya sigurong manood sa kanya. Nilapitan ko siya para mag-imbestiga na rin. Ilang araw ko na siyang sinusundan pero wala pa akong makalap na impormasyon ng kaugnayan niya kay Psyche. Mailap rin siya sa hindi niya ka-close kaya nahihirapan akong lumapit sa kanya. Isa pa, we're not in good terms dahil sa nangyari months ago. Napailing ako nung maalala 'yun.
"Sana kasama namin siya ngayong panoorin ka", anang isa sa mga babaeng kausap niya.
"Ivi-video ka na lang namin para mapanood niya.", sabi pa nung isa. Nginitian naman sila ni Marco at may kung anong sinabi na hindi ko na narinig dahil napalingon kaming lahat sa bumagsak na gitara. Paglingon ko sa pinagmulan ng kalabog ay nanlaki ang mga mata ko. It's Loki's guitar! Mabuti at hindi iyon nasira sa lakas ng pagbagsak. Hindi ko nakita kung sinadya niya ba iyong ibagsak o kung ano pa man pero lumapit na ako sa pwesto niya. Nasa gilid siya ng stage. Siguro ay para manood kasi hindi pa naman kami ang susunod na magpe-perform.
"What happened?", I asked him. As usual, no response. Oh yes, he hates being questioned. Matalim ang mga mata niyang nakatitig kung saan kaya tinignan ko rin kung anong tinitignan niya. Bakit siya ganyan makatingin kay Riley?
"She's there. Dancing with that gay.", tila wala sa sariling sabi ni Loki. Sinong nandun? Wait-
"Kasama ni Riley si Psyche na sumayaw?", pagkumpirma ko. Again, no response mula sa kanya. I guess that's a yes. Ano naman kung sumayaw si Psyche kasama ni Riley? Ang cool nga eh!
"Wow ang galing! Sumasayaw pala si Psyche." Napa-palakpak pa ako. Ni hindi na ako pinansin ni Loki at patuloy lang na nakabusangot ang mukha niya. Don't tell me he's jealous? Malabo naman siguro na--
Teka, malabo nga ba?
I smell something fishy. I bit my lower lip para pigilang tumawa. Kinuha ko ang phone ko at pinicture-an ang busangot na mukha ni Loki. Nagulat naman si Loki sa ginawa ko at pilit na inaagaw ang phone ko pero dahil sa reflex ko ay mabilis kong naitago ito. Mabuti na lang at nagsa-soccer ako. Mabilis ang galaw. Napailing na lang si Loki dahil kilala niya ako, hindi ako papahuli ng buhay sa kanya. Marami akong panakot sa kanya. Mabuti na lang talaga at magkababata kami, ang dami kong armas laban sa kanya.
*insert evil laugh here*
PSYCHE'S POV
BINABASA MO ANG
Know it by Heart and Soul (COMPLETED)
FantastikHilltop Series #1 Loki has everything that a girl could ask for, money, looks, intelligence? He has it all. Ang hindi lang n'ya matanggap ay kung bakit pati ang pagkakaroon ng third-eye ay mayroon din s'ya? At ang nakapagtataka, sa dinami-dami ng ta...