CHAPTER TWENTY-SEVEN
Yes, I'm letting her go
PSYCHE'S POV
"That's... unfair"
Marami pa sana akong gustong itanong kay Impo pero hindi ko naman matiis na hindi sundan si Loki, alam niyo naman 'yun medyo maarte. Dapat pala kinuha ko na lang yung cellphone number ni Impo tapos text-text na lang kami. Teka, may phone kaya si Impo?
"Stop following me.", biglaang sabi ni Loki na nakapagpahinto sa'kin sa pagsunod sa kanya. Ni hindi niya ako nilingon.
"Ha?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Hahakbang na sana ako palapit sa kanya pero napahinto akong muli nung magsalita siya.
"Diba sabi ko kanina hindi ka pwedeng umalis nang walang permiso?"
Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Napasapo ako sa dibdib at pakiramdam ko hindi maganda ang mga salitang idudugtong ni Loki.
"Ngayon binibigyan na kita ng permiso. Get out of my life.", aniya at tuluyan ng umalis sa harapan ko.
Hala? Wait lang, loading pa..
Did he just let me go?
Bakit ang sakit? Ang sakit-sakit. Pinahid ko ang luhang kumawala sa mga mata ko. 11 words lang 'yun pero bakit parang death sentence ang narinig ko? Ano bang nangyayari sa kanya? Mali, ano bang nangyayari sa'kin? Ay mali, ano bang nangyayari sa'min?
LOKI'S POV
That's so unfair! Nagsisisi akong narinig ko pa yung sinabi nung matandang 'yun. Hindi na tuloy 'yun maalis sa isipan ko ngayon. May kung anong takot akong nararamdaman sa puso ko. This is insane. What's wrong with me?
Mali itong nararamdaman ko. "Do I like that pathetic girl now?" Natampal ko naman agad ang bibig ko dahil sa sinabi ko. She's not the pathetic one here. I am the pathetic. You shouldn't give permanent feelings to temporary people. Now I get it. Mas naintindihan ko na ngayon ang palagiang mga payo sa'kin ni Riley.
Mali na hinayaan kong pasukin niya ang buhay ko. Maling mali. Ano 'yun? Siya, makakalimutan niya lahat ng tungkol sa'min pero paano naman kami? Paano ako? Paano ko kakalimutan 'yung mga katangahan niya? Nakakainis. Nakakaloko lang. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?
Kaya dapat hangga't maaga pa, hangga't kaya pa, sasanayin ko na ulit ang sarili ko ng wala siya. Nabuhay naman ako ng wala siya, kaya ko pa ulit mabuhay ng wala siya.
PSYCHE'S POV
Makulimlim ang langit. Nakikisabay pa ata sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na muna sinundan si Loki pagkaalis niya. He needs space. Ganun naman yung taong 'yun. Sa saglit naming pagsasama, halos nakabisado ko na rin pala talaga ang ugali niya. Kumbaga nakasanayan ko na. Nasanay na akong kasama siya, sila Croft, Riley, pati yung mga kasambahay nga ni Loki sa bahay eh. Ngayong naiisip ko 'to, sa tingin ko naiintindihan ko na kung bakit nagkaganun si Loki.
"Uy, tulala ka?" Napapitlag ako ng biglang may magsalita mula sa gilid ko. Nakasquat ako sa ilalim ng puno kung saan ay kita ang kabuuan ng tanawin. Paglingon ko ay si Riley pala. Hindi siya nakatingin sakin bagkus ay nakatingala lang siya sa makulimlim na langit.
"Riley, kung papipiliin ka kung gusto mong bumalik na sa New York o manatili dito, anong pipiliin mo?", biglaang tanong ko sa kanya.
"Bat mo naman natanong?"
"Basta..."
"Pipiliin ko kung saan ako mas masaya.." aniya. Kumunot ang noo ko at nagtatakang tinitigan siya. Ibinaba niya ang tingin mula sa pagkakatingala at ngayon ay mataman na siyang nakatitig sakin.
"Saan nga ba?"
"Dito kasama ka...", aniya nang walang kakurap-kurap.
Nalunok ko ata ang dila ko at hindi na nakapagsalita. Humalakhak naman siya matapos makita ang reaksyon ko.
"Naman kasi eh. Seryoso Riley.."
"Seryoso yun. Pagdating sa'yo palagi naman akong seryoso."
Anak ng pitumput-pitong tupa naman oh! Pakiramdam ko ay mapula pa sa mansanas yung mukha ko ngayon. ><
Tumawa na naman siya bago ulit nagsalita.
"Manatili ka kung saan ka masaya. Hindi naman ibang tao ang makakapagsabi ng ikaliligaya mo eh, nakadepende yun sa'yo. Ikaw lang naman makakaalam kung saan ka masaya e. Ako masaya ako dito kasi nandito ka. Kaya mag-istay ako dito. Oh. 'Wag ka na kumontra, ako naman nakakaalam na masaya ako kasama ka. Makaalis na nga, nahihiya na ako sa pinagsasabi ko."
Dali dali siyang tumayo at lumakad palayo. Pero bago pa man siya makalayo ay nahagip ng mga mata ko ang namumula niyang mukha.
Gusto ko sanang itanong kung totoo yung sinabi niya o hindi. Malamang hindi, si Riley pa ba? Kasi kung totoo yun, ganun ba ako katimbang para ipagpalit niya ang pangarap niya sa New York? Trip na naman niya ako. Asar..
Napailing na lang ako. May munting ngiting sumilay sa mga labi ko. Naalala ko yung itsura ni Riley bago umalis kanina. Ang cute niya mahiya. Agad ring napawi ang ngiting iyon.
Handa nga ba akong iwanan lahat ng nakasanayan ko na?
Handa na ba akong iwanan si Loki na hindi man lang alam ang dahilan ng mga nightmares niya?
Bakit hindi ko mahagilap sa puso ko na gusto ko pang bumalik sa katawang lupa ko?
Gusto ko na lang manatili sa kung anong meron ngayon.
Kung para kay Loki madali lang akong i-let go. Bakit para sa'kin hindi na yun ganun kadali?
Piliin ko daw kung saan ako masaya?
'Sa kanya'.
Bakit yun agad ang salitang pumasok sa isipan ko?
Ayoko silang kalimutan. Ayoko siyang kalimutan.
Nagpasya akong sundan si Loki upang alamin kung kamusta na s'ya..
"Yes, I'm letting her go"
It was Loki.
BINABASA MO ANG
Know it by Heart and Soul (COMPLETED)
FantasíaHilltop Series #1 Loki has everything that a girl could ask for, money, looks, intelligence? He has it all. Ang hindi lang n'ya matanggap ay kung bakit pati ang pagkakaroon ng third-eye ay mayroon din s'ya? At ang nakapagtataka, sa dinami-dami ng ta...