Chapter Fourteen

74 12 23
                                    

CHAPTER FOURTEEN

Actions speak louder than words.



PSYCHE'S POV


"Hula ko nakasimangot ka pa rin ngayon?", natatawang sabi ni Croft sa akin.




Nandito kami sa dedication booth ngayon. Dito kasi siya nakatoka at umalis yung kasama niyang magbantay para kumain kaya malaya na kaming nakakapag-usap. Umupo na ako sa tabi niya tutal wala na 'yung kasama niya.




Kinuwento ko rin pala sa kanya yung nangyari kanina sa laro except dun sa sana-yung-pagmamahal-ni-Loki-sa-akin-na-lang part.





"E kasi nga ang OA nilang dalawa. Ayaw magpatalo kahit nasasaktan na. Ayaw magpatalo para lang sa mga bagay na hindi naman worth it. I mean, ano kasi.. Isang kabang bigas lang yun pero kung makapagbuwis-buhay sila. Kainis!"





"Yun lang ba talaga ang dahilan? Isang kabang bigas ba ang tinutukoy mo sa hindi 'worth it' na 'yan? Bagay ba talaga o Tao?", aniyang natatawa habang nagpipindot ng kung ano sa laptop niya para magpatugtog ng requested song ng isang customer kanina.





Kung nakikita lang ako ni Croft ngayon, tiyak na mas matatawa pa sya sa paglaki ng mga mata ko sa sinabi niya. Nagdududa na talaga akong may psychic power 'tong si Croft e. Dapat ata mag-ingat na ako sa pagkukuwento ng saloobin sa kanya.





"Ano ba yang sinasabi mo! Syempre yung bigas ang tinutukoy ko!"




Nakakaloka ka Croft! Akala ko pa naman may matino na akong makakausap.





"Okay. Sabi mo eh.", tatawa tawa pa rin siya na para bang kunwari naniwala siya sa sinabi ko para hindi na lang ako mapikon.





Hindi na lang muna ako kumibo kasi baka mabuking na talaga niya yung mga pinag-iisip ko kanina.




Naagaw ang atensyon ko ng isang lalaking nakapamulsa at ngayon ay lumapit kay Croft. May inabot itong kapirasong papel pagkatapos ay tinanguhan naman siya ni Croft. Malungkot na naman ang mga mata niyang singkit.

Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon