Chapter Thirty
I love you
PSYCHE'S POV
Nakakasilaw ang liwanag, ni hindi ko maidilat ang aking mga mata. Nang masanay na ang aking mga mata sa liwanag ay luminga linga ako sa paligid.
This is not Loki's room.
Where am I?
Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto kung saan ako naroon.
May mga babae at lalaking nakaputi ang pumapasok at may kasama silang babae na nasa stretcher, wala itong malay at maraming nakakabit na aparato, inilipat na nila ito sa kama na nasa harapan ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ang babaeng nasa harapan ko.
It's me....
It's my body.
Hindi pa ako nakakahuma ay may dalawang pamilyar na lalaki ang pumasok din sa loob ng kwarto, isang may edad na lalaki na nakasuot ng puting blazer na pang-doctor at sa tabi nito ay si...
Marco?
"This is the best that I can do, son. Yumiko is in Glasgow Coma Scale (GCS) 3 already. That means she has no brain activity anymore. Miracle na lang anak..", ani ng matanda kay Marco.
"Dad... Please... Don't say that. Yumiko.. Yumiko please wake up."
Yumiko.
That's my name.
Unti-unting pumapasok sa isipan ko ang mga alaalang pilit kong kinalilimutan.
I was Yumiko. No, I am Yumiko.
I clearly remember everything now.
My mother died when I was thirteen years old because of leukemia while my died was killed a few months ago. I was techinically an orphan like Loki.
And the reason behind this is no other than Loki's uncle.
Gregorio Mondragon.
Naikuyom ko ang aking mga palad. That jerk!
He is the reason why I'm in this state. He tried to kill me.
Napapikit ako ng mariin. Paano nga ba akong napunta rito? At sila Loki? Nasaan sila?
May kumakatok sa kwarto na nakapukaw ng malalim kong iniisip.
May tatlong lalaking humahangos papasok sa loob. Lumabas naman ang mga taong nakaputi kanina na napagtanto kong mga nurses.
"What are you doing here, Loki?", gulat na tanong ni Marco kila Loki na ngayon ay nag aalalang nakatingin sa'kin.
Maski ang kasamang matandang lalaki ni Marco ay nagulat sa pagdating nila Riley, Croft, at Loki.
"Marco, I know you're not in good terms with Loki but hear me out first, we're here for Psyche.." singit ni Croft bago pa makasagot si Loki.
"Who's Psyche?" nagtatakang tanong ni Marco.
Tinuro ni Croft ang katawang walang malay ngayon.
Naguguluhan man ay pinaupo ni Marco ang tatlong lalaki. Si Loki naman ay hindi inaalis ang tingin sa'kin pero hindi s'ya umiimik.
Lumabas na rin ang kasama ni Marco kanina na si Tito Mike, daddy ni Marco.
Naiwan silang apat sa loob ng kwarto.
Binigyan sila ni Marco ng face mask para hindi sila makapagdala ng kung anong sakit sa katawan kong walang malay..
"Can you explain everything? How disrespectful this can be?", frustrated na sabi ni Marco.
"Hey. We're friends with that girl. We're not disrespecting anyone here" ani Riley na tila nairita sa inaasal ni Marco.
"Believe it or not Marco, we're friends with Psyche... I mean that girl..."
"Imposible. I've known her all my life. At paano n'yo s'ya makikilala? Supposedly makikita pa lang n'ya si Loki the day na may nagtangkang pumatay sa kanya", naiinis na sabi ni Marco na tila nawiwirduhan na sa sinasabi nila Croft.
"Wait, nagtangkang pumatay? At pupuntahan n'ya ko?" takang tanong ni Loki. Medyo napataas ang boses n'ya sa pagkagulat. Napatingin si Loki sa'kin at ako naman ay napayuko. Tila gusto n'ya rin akong sumagot. Hindi ako makakibo. Hindi ako makasabat. Ang bigat sa pakiramdam.
Huminga muna ng malalim si Marco bago ito nagpatuloy.
"Yeah. Pupuntahan ka sana n'ya to give you the evidence na hindi accident ang pagkamatay ng family mo. I must admit, nagalit ako sa'yo dahil ikaw ang dahilan kung bakit s'ya ngayon nagkaganito. She wants to save you!" mariing sabi ni Marco.
"Wait... Hindi ko maintindihan.. What do you mean hindi accident?! Bakit ngayon mo lang sinabi?" sigaw ni Loki. Sinaway naman s'ya ni Croft dahil nga nasa harap lang nila ang walang malay ko na katawan. At baka makaapekto ang pagsigaw n'ya sa katawang lupa ko.
"Because I'm scared na may magtangka ulit pumatay kay Yumiko if we meddle sa issue n'yong pamilya. Your uncle planned this. Your uncle Greg killed your family, Loki. And Yumiko's dad... He was your dad's executive secretary. He found a recording tape wherein your uncle was talking to someone para sirain ang preno ng sasakyan ninyo. Pero your uncle killed him as well. Naiwan ang ebidensya kay Yumiko...and Yumiko.... She wants to save you.."
Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Napatingin sa'kin sila Loki, hindi n'ya napigilang lumapit at yakapin ako. Pero tumagos lang s'ya sa'kin.
"What are you doing?" nagtatakang tanong ni Marco.
"Yumiko's soul is here. Naglakbay ito Marco, sa maniwala ka man o sa hindi, nakakausap namin s'ya..." paliwanag ni Croft. "She's actually crying right now" dagdag pa n'ya.
Bakas ang pagkalito sa mukha ni Marco. "That is absurd. What are you talking about?"
"Tell him about the locket he gave me.. He will believe you..." I said.
"She's telling us to tell you about the locket you gave her.", ani Croft na puno na rin ng pag alala ang mga mata.
Natahimik si Marco.
"You mean... Oh my God. Yumiko? Are you really here?"
Marco... He was my first love.. My childhood sweetheart. Pero paulit ulit n'yang sinasabi sa'kin noon na hanggang kapatid lang ang maibibigay n'ya sa'king pagmamahal..
"Yumiko.. I take back everything that I said before. I actually love you. I realize that I really love you... Kung naririnig mo 'ko please come back.."
Natigilan si Loki sa mga tinuran ni Marco.
"Do you love him?" pabulong na tanong sa'kin ni Loki.
"Not anymore..." pag-iling ko.
"Is everything that he said true? Did uncle Greg try to kill you?"
Tumango ako. "Loki... yung recording tape... Hawak ko yun bago ako naitulak sa hagdan. Please ask Marco."
"Marco... Nasaan ang recording tape?", tanong ni Loki kay Marco.
"I hid it in my room. I'll give it to you.", sagot nito.
"Uncle Greg will surely pay for this. I'm sorry, Psy--- Yumiko." hinging paumanhin sa'kin ni Loki.
Biglang nagsikip ang dibdib ko, pagsulyap ko sa silver cord ko, ga-hibla na lamang ang natitira dito.
At ang pala-pulsuhan ko, nagliliwanag.
Matinding liwanag.
Lahat sila ay napatayo at narinig kong isinisigaw ang pangalan ko.
Narinig ko rin ang pagtunog ng aparato na nakakabit sa katawan ko.
Bago ako mawalan ng malay, I mouthed I love you to Loki.
And everything went blank.
BINABASA MO ANG
Know it by Heart and Soul (COMPLETED)
FantasyHilltop Series #1 Loki has everything that a girl could ask for, money, looks, intelligence? He has it all. Ang hindi lang n'ya matanggap ay kung bakit pati ang pagkakaroon ng third-eye ay mayroon din s'ya? At ang nakapagtataka, sa dinami-dami ng ta...