CHAPTER ELEVEN
Sino kayang mas baliw sa'tin?
LOKI'S POV
"You're still weak, baby. You need to stay here.", malambing na saad ni Luna. Nag-iwas ako ng tingin at inalis ang mga kamay niyang nakahawak sa balikat ko na pumipigil sa akin sa pagtayo.
I hate to be here. Kungdi lang ako nanghina sa nangyari kanina, hindi nila ako madadala sa hospital. Naalala ko na naman ang mukha niya habang unti-unting nanghihinang bumabagsak. Fvck. Balewala lahat ng suntok, tadyak o palong natamo ko pero nanghina talaga ako nung makita kong nasaktan siya.
I hate selfless people! I hate her heroic stunts!
"Stop this Luna." Saad ko sa kanya habang sinenyasan ang mga bodyguards ko na lalabas na ako dito. Wala na siyang nagawa nung tinalikuran ko na siya. Napapikit ako ng mariin habang kagat ang labi. Don't make this hard for us, Luna. You know that I can't. I can't be happy anymore. I don't deserve to be happy.
Nagmamadali akong pumunta sa itim na Fortuner. I need to go home to check on her. Is she okay? It's not that I care. Ayoko lang ng may utang na loob. Ayokong usigin ng konsensya ko na ako pa ang dahilan kaya tuluyan siyang namatay.
Hindi ko na mabilang kung ilang mura ang inabot sa akin ni Croft nung sa wakas ay sinagot niya na ang tawag ko. Iniwan na pala niya sa bahay yung multong babae na 'yun.
I'm glad she's okay. Isinandal ko ang ulo ko at marahang pumikit.
That girl. Tss.
Nung magmulat ako ng mga mata ay ang nag-aalalang mukha ni Nana Celia ang bumungad sa akin. I assure her that I'm fine kaya dire-diretso na ako sa kwarto ko. Gusto kong makita ng sarili kong mga mata ang kalagayan niya.
Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang tumatawang multo at si Riley. Dammit! I forgot. Ngayon ngapala ang uwi niya from New York. Her mom called me at sinabing gumawa na naman ng kalokohan ang magaling kong pinsan. Puro sayaw daw at babae ang inaatupag nito kaya napabayaan ang pag-aaral.
Muntik pang maging batang ama dahil may isang babae na nagpapaako ng anak sa kanya. Mabuti na lang at nagkataong hindi niya nga daw anak dahil maingat daw siya sa mga ganung bagay. Ayan at ipinatapon dito. Tss. And now, he has a new victim.
Napansin nila ang pagdating ko kaya natigilan sila.
"Easy Aki. I'm not doing anything wrong with your girl.", nakangising saad ni Riley.
'Wag niya akong mangisi-ngisihan. Hindi ko gusto ang nakikita ko.
"She's not. If you wanna have some chitchat with her, better not do it inside my room.", malamig kong sagot at dumiretso sa kama ko. Naiirita talaga ako sa nakikita ko. At ang multong 'yun ay tuwang tuwa pang nakikipaglandian.
Gusto ko na ngang sabihin na "Hey she's my girl! Lay a finger on her and you'll die." kahit hindi, para tantanan nila ang landian sa harap ko. Gusto ko sanang sabihin 'yun para tigilan na ni Riley yung multong 'yun. Ugh! Pati ba naman kasi multo papatusin?
BINABASA MO ANG
Know it by Heart and Soul (COMPLETED)
FantasíaHilltop Series #1 Loki has everything that a girl could ask for, money, looks, intelligence? He has it all. Ang hindi lang n'ya matanggap ay kung bakit pati ang pagkakaroon ng third-eye ay mayroon din s'ya? At ang nakapagtataka, sa dinami-dami ng ta...