Chapter Twenty-Six

104 9 21
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

A/N: Happy New Year! Sorry kung na-late ng update :( Mianhae. Mianhada! Naging busy lang talaga ako huhuhu. So eto na, eto na muli sina Loki at Psyche. Enjoy! <3 Salamat ngapala sa mga walang sawang sumusubaybay ng kwentong ito. xoxo~ Yumii


~~~~~~~

That's... unfair

LOKI'S POV

Tss. Badtrip. Ang lamok-lamok naman dito! Tamad akong umupo sa isang nakahigang puno dahil nangangawit na rin ako sa pagtayo. Dalawang oras na ata silang namimigay ng pagkain at hindi pa rin matapos-tapos.




Luminga ako sa paligid. Himala? Walang asungot. Walang multong nangungulit. Hindi kaya naglaho na siya? Umalis ba siya nang hindi man lang nagpapaalam? Tumayo na ako at hinanap siya sa paligid. Wala siyang karapatang umalis nang hindi nagpapaalam! Hindi niya pwedeng gawin sa isang Loki 'yun.




"CROFT!", sigaw ko kay Croft na ngayon ay may hawak na malaking itim na plastic bag. Nagliligpit na siya siguro ng mga ginamit sa feeding program. Nag-angat siya ng tingin at tila nabigla siya sa biglaan kong pagsigaw. Naglingunan din ang iba pa naming mga kasama.




Dali-dali ring lumapit sa'kin si Croft. "Bakit dude?! Bakit parang nagpapanic ka?", tanong niya.




Panic? Ako? H-hndi ko alam. Hindi naman ako nagpapanic. Nagtataka lang ako. Bored lang ako.




"Where is she?!" Sinagot ko lang din siya ng tanong kaysa ipaliwanag pa ang nararamdaman kong hindi ko rin maipaliwanag.




"Si Psyche? Uhm, hindi ko rin alam. Alam mo namang hindi ko siya nakikita eh. Kanina lang kasi—", Bago pa matapos ang sinasabi ni Croft ay nahagip na ng mga mata ko ang kadarating lang na si B.M na may kasamang batang babae. Hindi ko namalayan na natawid ko na ang pagitan samin nung babaeng 'yun. Ang alam ko lang e nasa harapan niya na ako ngayon.




"San ka ba galing ha? Bakit ka umaalis nang hindi nagsasabi?!", tiim-bagang kong sabi.




Nabigla naman siya sa reaksyon ko at bahagyang kumunot ang noo niya bago siya sumagot. "Bakit galit?"





Bakit nga ba ako galit? Sa totoo lang? Hindi ko rin alam. At iyon ang nakakainis sa lahat.


Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon