CHAPTER FOUR
Vacuum Cleaner
PSYCHE'S POV
Badtrip 'tong Loki na 'to! Akala ko joke lang na magpapatawag s'ya ng pari pero tinotoo n'ya! Eto na ba ang katapusan ko, Lord? Hindi naman po ako masamang multo. Ramdam ko 'yun sa kaibuturan ng aking kaluluwa! Promise Lord! I am biting my lower lip, thinking of my next move.
Peste talagang Loki 'to. Kasalukuyan nila akong hinahanap sa buong bahay. Ewan ko ba kung bakit ako nagtatago. Dahil ba 'to sa takot akong mabendisyunan? N to the O, what do we have here? NO. Big no! Hindi naman ako some kind of evil creature eh. Wala naman akong urge pumatay ng tao, well except nung nakilala ko 'tong si Loki the Monkey! Ayan sumasama na ugali ko! Asar!
Hindi ko namalayan na may mga nilalang na tumigil sa harapan ko. Shocks! I'm doomed! Nahuli na nila ako at yung walang pusong si Loki, ayun at nakangisi pa! Tuwang tuwa s'ya sa magiging kamatayan ng isang kaawa-awang multo. Psh. Ang cruel talaga n'ya.
Nakita kong dinadasalan na 'ko ni father kahit hindi naman n'ya ako nakikita. Pumikit ako at nakisabay pa sa pagdarasal. Syempre kung katapusan ko na nga ito, ipapanalangin ko na ang sarili kong kaluluwa. Pinakiramdaman kong mabuti ang sarili ko kung unti-unti na ba akong naglalaho pero pagdilat ko ay nandito pa rin ako sa bahay ni Loki. I blink plenty of times to check if this is real. Hindi ako naglaho! Hindi ako naglaho! Tinignan ko naman ang reaksyon ni Loki sa nangyari at mukha s'yang disappointed. Magkasalubong ang mga kilay niya. I smirked.
Humalakhak ako at hindi ko mapigilang mapasayaw sa saya! Confirmed! Hindi ako masamang espiritu! Kumembot kembot pa 'ko para lalong inisin si Loki. "Ikembot mo pakanan, ikembot mo pakaliwa oh yeah!". I saw anger in his eyes kaya huminto na 'ko. Pasalamat s'ya mabait talaga ako. Ngumiti na lang ako sa kanya ng pagkatamis-tamis.
"Pa'no ba 'yan Loki? Mukhang kailangan mo muna akong pagtiisan ng matagal-tagal."
~*****~
Nakaalis na sila father at kami na lang dalawa ni Loki ang natira sa kwarto n'ya. Kung buhay lang ako, tiyak talagang 'di ako papayag makasama s'ya ng kami lang dalawa. Susme! Hindi ko matagalan yung mga titig n'yang tumatagos sa kaluluwa ko. Gusto pa ata akong maging double-dead meat. Dapat s'ya yung dinasalan ni father eh, mukhang s'ya ata yung may sapi.
"Smile for now slut for I won't stop finding ways to get you out of my fvckin' life.", aniya.
BINABASA MO ANG
Know it by Heart and Soul (COMPLETED)
FantasíaHilltop Series #1 Loki has everything that a girl could ask for, money, looks, intelligence? He has it all. Ang hindi lang n'ya matanggap ay kung bakit pati ang pagkakaroon ng third-eye ay mayroon din s'ya? At ang nakapagtataka, sa dinami-dami ng ta...