Chapter Twelve

85 12 25
                                    

CHAPTER TWELVE

Expectations VS Reality



LOKI'S POV


1:30 pm




I still have thirty minutes. Mabuti na lamang at maaga kaming natapos magpractice. Binitbit ko na ang itim kong backpack at isinukbit sa isang balikat bago dire-diretsong lumabas ng Music Room.





Hindi sinasadyang narinig ko ang usapan ng dalawang babae na nakasalubong ko. Sa lakas ng boses nila mag-usap ay tiyak na makakatawag-pansin talaga.





"Nababaliw na ba si Luna? Nakuha niya pang magkabit ng banderitas kahit na ang taas na ng lagnat niya? Nahulog tuloy siya! Buti na lang at hindi gaanong mataas yung hinulugan n'ya. Sabagay ang hirap naman kasi maging SC President"





Napahinto ako sa paglalakad. Luna? Ginapangan ako ng kaba. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at hinanap ko kung nasaan siya. I know I shouldn't be doing this but hell, I'm worried.





Mabilis kong nakita ang kumpulan ng mga estudyante kung saan ay nakita ko si Luna, nakasalampak siya ng upo sa sahig, at pinipigilan ng dalawang lalaki na tumayo para magpatuloy sa pagkakabit ng banderitas.





"L-Loki?", anas niya ng makita ang presensya ko. Lumapit ako sa kanya at binitiwan na siya ng mga lalaking pumipigil sa kanya kanina.





"What are you doing? You're injured.", I said as I looked at her ankle. Namumula ito at halatang namamaga. "Magpadala ka na sa clinic"





Yumuko siya at nagsalita. "I thought you don't care about me anymore." Garalgal ang boses n'ya at ramdam ko ang hinanakit sa boses n'ya.





"You should rest. 'Wag makulit.", ani ko sabay talikod na sana upang umalis pero hinila n'ya ang laylayan ng polo ko. Bakit pa kasi ako nagpunta! Tiningala niya ako at alanganing ngumiti.

Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon