Chapter Twenty-One

45 10 21
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

Ha?

PSYCHE'S POV

Bukas nakatakdang magsimula ang Feeding Program/Medical Mission na isasagawa ng Williams University. Bukas na rin sana ang simula ng bakasyon kungdi lang dahil sa project na 'yun. Sa bahay nila Loki napiling magluto ng mga kagrupo niya dahil siya ang may pinakamalaking bahay.




Pwede naman sana nilang ipaluto 'yung pagkain na dadalhin nila bukas kaso kailangang naka-video ang proseso kaya kailangan talagang sila ang magluto.




At ako, syempre no choice kungdi makita ang pagmumukha ni Luna na nakatapak dito sa bahay namin este bahay ni Loki.




Yung feeling na paggising ko ay ibabalita ni Loki na hanggang ngayon ay walang natatagpuan na katawan ko tapos makikita ko 'yung mukha ni Luna? E di ang saya saya diba?





Tamad akong nakaupo sa tabi ni Loki na ngayon ay matamang nakatitig sa chopping board na nasa harap niya. Magkatabi naman si Croft at Harris na parehong hawak ang phone nila at naghahanap ata ng pwede nilang lutuin.




Si Anastacia naman, well narining ko na iyon ang pangalan niya, ay nakapangalumbabang nakatitig kay Croft habang si Luna ay inilalabas ang dala niyang apron na may puso pa sa gitna. Akala niya cute siya dun? Mukha siyang chimay! Ugh. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang mga kamay ko. I'm so mean. Wala naman siyang ginagawa sa'kin pero naiirita talaga ako sa kanya.





Nagsimula na silang magluto ng kung ano na hindi ko naman alam. Tumingin sa akin si Loki at sinenyasan akong umalis na. Problema niya? Pinapaalis niya ako para makapaglandian na sila ni Luna? Ipinilig ko ang ulo ko para alisin ang isiping 'yon. Bakit ba kasi apektado ako? Humalukipkip ako at pinanindigang hindi aalis. Pinandilatan niya ako ng mga mata pero ngumisi lang ako sa kanya.




"Ah Loki? Paabot naman nung flour?", ani Luna at inginuso ang harina na malapit kay Harris. Elegante siyang nagpupusod ngayon ng buhok. Susme! Wala ka bang kamay 'te? Pwede namang ipaabot kay Harris o Croft ah? Sila kaya yung malapit! Umirap ako sa kawalan.




At ang pinaka nagpainit ng ulo ko ay ang pagsunod sa kanya ni Loki. Wow? Galing! Ayos ah. Iaabot na sana ni Loki sa kanya yung harina pero imbes na maiabot sa kanya ay nagulat ko si Loki at tumapon ang harina sa mukha ni Luna. O to the M to the G! OMG! Hindi ko kasalanan!




Napapitlag kasi ako sa gulat nang biglaang bumukas ang pintuan ng kitchen at iniluwa nito ang gwapong gwapo na si Marco. Yeah! Gwapong gwapo siya sa suot na puting v-neck shirt at maong pants. Hapit ito sa katawan niya at sa ilalim ng telang 'yun ay nababanaag ko na ang pinaghirapan niyang chocolate abs sa gym!

Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon