Chapter Three

92 19 7
                                    


CHAPTER THREE

By hook or by crook

Authors' Note: This chapter is dedicated to you for your overwhelming comments and votes! :)

UNKNOWN'S POV


Y to the E to the S, what do we have here? YES!!!! Gusto kong magsasasayaw dahil isinama lang naman ako nila Loki and the mystery guy sa bahay ni Loki! Wait, sa totoo lang hindi ko 'to maide-describe na bahay. Uhm.. parang mansion eh? Yung mga tipong napapanood lang sa TV? I wonder kung nung nabubuhay ba 'ko eh mahilig kaya 'ko manood ng TV? Nahinto ang pag-iisip ko nung tumikhim si mystery guy na kasama ni Loki.


Nasa living room kami ng kwarto ni Loki. You read it right. Living room sa loob ng kwarto. Nagtataka nga ako kung bakit pa tinawag ni Loki na kwarto 'to eh mukha na ngang bahay. Well, I can say that this Loki boy has really a good taste when it comes to pieces of furniture. Black and White ang theme ng kwarto n'ya and I kinda like it.


"Ah Loki nasa'n nakaupo yung ghost na girl?" Narinig kong tanong nung lalaki kay Loki pero etong si Loki, mukhang walang balak sumagot. Nakatingin lang s'ya sa'kin ng masama. Nahiya naman ako kay Loki kaya ako na ang sumagot dun sa lalaki.

"Nasa harapan mo 'ko"

"Ah okay, hi Ms. Ghost. I'm Eldric Croft. Alam mo bang sobrang makakatulong ka sa'king research paper? Ano palang pangalan mo?" ani Croft.

Ah. Eldric Croft pala ang pangalan n'ya. Kung nagtataka kayo kung bakit nandito kami sa bahay ni Loki at kung paano naming s'ya napapayag eh 'wag kayong mag-alala dahil ako rin mismo ay nagtataka.

Basta ang alam ko lang ay may sinabi si Croft tungkol sa isang picture at bigla n'yang napapayag ang isang Loki! Amazing! Teka. Ano daw? Research paper?

"Research paper? Ako si-ah eh 'yun nga 'yung problema ko e." Napakamot ako sa noo ko. Gawain ko talagang magkamot ng noo kapag namumroblema. Nadiskubre ko lang 'yan syempre nung namroblema ako kay Loki, bale kanina ko lang nadiskubre. Napahalakhak ako sa isip. Malala na ako, tumatawa ako pero sa isip lang.

"Gumagawa kasi ako ng research paper about sa mga supernatural beings, kung totoo ba sila o hindi. And then you came! Hulog ka sa'kin ng langit!"

Natatawa ako sa itsura nung Croft kasi parang maiiyak pa s'ya sa speech n'ya. "Bale wala kang maalala kung sino ka?", dagdag pa n'ya.

Tumango naman ako bilang sagot tapos narinig kong nag-tss si Loki kaya naalala ko na hindi ngapala ako nakikita nitong si Croft pero naririnig n'ya ako. "Oo", sagot ko ulit.

Nakita kong kumuha s'ya ng ballpen at papel at may kung ano'ng isinulat dun. Tapos ay tumingin ulit s'ya sa'kin. "For the meantime, bibigyan muna kita ng name para naman may itatawag kami sa'yo."


"Matagal pa ba kayo? Pagkatapos nito, tantanan n'yo na 'kong dalawa.", sabat nung Loki. Ugh! Kung pwede lang batuhin s'ya nung banga na nasa gilid n'ya ginawa ko na! Nakade-kuwatro siya at magkasalubong ang kilay na nakatingin sa'kin.


"E kung ikaw kaya magbigay ng name Loki?", tanong nung Croft at hindi na lang pinansin ang kasungitang taglay nung Loki na 'yan na akala mo eh magme-menopause na kung maka-asta!


"Kapag sinagot ko ba 'yan, aalis na kayo?" Pigilan n'yo ako! Baka masuntok ko na talaga yung gwapong mukha nito!

Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon