Dreams/Memories

49 11 8
                                    

FLASHBACK B

PSYCHE'S DREAM

Bakit nakikita ko ang sarili ko? O to the M to the G! OMG may doppelganger ako? Ipinikit-pikit ko pa ang mga mata ko para siguraduhing sarili ko ang nakikita kong pumapasok ng pintuan ng isang bahay.




"Mama! Nandito na po ako!", sigaw ng kamukha ko pagkapasok sa pintuan ng bahay.




Walang sumagot sa kanya pero dumiretso siya paakyat ng hagdanan kaya sinundan ko siya. Pamilyar ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Ang halimuyak ng mga bulaklak mula siguro sa garden sa labas ay amoy na amoy dito sa loob. Habang palapit kami sa isang pintuan ay napalitan ang mabangong halimuyak ng amoy na mala-hospital—amoy alcohol.




Hindi kaya nasa isang panaginip ako? Tumambad sa akin ang isang malaking kwarto na naglululan sa isang babae.. babaeng hindi ko maaninag ang mukha pero siguro ay siya ang tinatawag kong mama. 




Sinubukan kong lumapit sa kanila upang makita ang mukha ng babae pero tila may isang invisible na wall ang nakaharang sa unahan ko kaya't hindi ako makausad. Pinagmasdan ko na lamang silang mag-usap.




"Ininom n'yo po ba 'yung gamot niyo? Nasaan 'yung private nurse n'yo? Naku naman ma! Ano ba 'yan pina—"




Tumawa naman ang babaeng tinawag na mama kanina. "Ki ni shinaide. (Don't worry about it.) Uminom na ako ng gamot ko. Bakit ang aga mong umuwi? Bakit hindi ka mamasyal kasama nila Eya at Anne sa plaza? Wala ba kayong practice? Hindi ba't malapit na 'yung Cheerdance Competition na sinalihan n'yo?"




Eya at Anne? Sino sila? Mga kaibigan ko?




Gusto kong takbuhin ang distansya upang makita ko man lang ang mukha ng mama ko. Gusto ko siyang maalala. Bakit ganito? Panaginip ko ito pero hindi ko magawa ang gusto ko? Bakit hindi ko makontrol ang mga nagaganap?




"Ma! Paano ako mamamasyal kung nag-aalala ako sa inyo? Sa'n si papa?"




"Kakaalis lang. May imi-meet ata na client niya. Kumain ka na ba?"




"Opo. Kayo?"

Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon