Chapter Fifteen

55 11 11
                                    

CHAPTER FIFTEEN

So saying sorry is really not my thing, huh?


LOKI'S POV

"Ahma? Ahia? What are you doing here?", nagtatakang tanong ni Luna sa mga taong sumalubong sa amin sa bahay nila.




"We're here to check on you.", malamig na tugon ng lola niya sa kanya sabay pukol ng matatalim na tingin sa akin. "To see if you're in good hands."




"Ahma, I'm fine here. Hindi na po sana kayo nag-abalang umuwi." Halata sa boses ni Luna ang kaba. Hindi naman na bago sa akin ang mga ganitong tagpo. Bata pa lang kami ay mahigpit na talaga ang lola niya kina Luna.




"Uwi pa ba ito ng matinong babae? Iyan ba ang naituturo sa'yo ng mga kaibigan mo dito?", tanong nito kay Luna nang nakataas ang kilay. Nakatingin lang ako sa kanila at hindi malaman kung aalis na ba o hindi. Batid kong may masamang pakahulugan ang pagkakadiin ng lola niya sa pagsabi ng 'kaibigan'.




"Ahma! May sakit po ako kaya nagmalasakit lang si Loki na ihatid ako. Wala po siyang ginagawang masama!"




"Shobe, huwag mong pagtaasan ng boses si Ahma", saway ni Eros, nakakatandang kapatid ni Luna. Ngayon ko lang ulit siya nakita matapos ang apat na taon at kapansin-pansin ang pagiging maputla nito.




"No ahia! Alam kong may hindi magandang nais iparating si Ahma kaya ngayon pa lang ay sinasabi ko ng walang kasalanan si Loki."




Napabuntong-hininga na lamang ako. Gustuhin ko mang umalis, ayoko namang magmukhang bastos. Tumingin sa akin si Luna.



"You can go now Loki. I'm sorry and thank you.", aniya at giniya na ang ahma niya papasok ng bahay nila. Tinanguhan naman ako ni Eros bago tuluyang tumalikod na rin.



Alas-dose na nang makarating ako sa bahay. Atubili pa akong pumasok sa sarili kong kwarto. Is she inside now? How will I approach her? Is she sleeping already or not? Ginulo ko ang buhok ko sa inis sa sarili ko. Para akong tanga sa sarili kong bahay. Ni hindi ko alam kung bubuksan ko na ba yung pintuan ng kwarto ko o sa guest room na lang ako? Guilty talaga ako sa nangyari kanina. Mas kinakabahan pa ata ako ngayon kaysa nung makaharap ko ang istriktang lola ni Luna.




Sa huli, ipinasya kong dahan-dahang buksan yung pinto. Walang tao. Wala ring multo. Bakit parang disappointed ako? I should be happy, right? Walang perwisyo. Wait. Is she in Riley's room?! Ugh! The hell I care.

Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon