Chapter Nine

89 17 15
                                    

                  

CHAPTER NINE

Dominoes


PSYCHE'S POV



Ilang araw matapos kong ma-on ang asshole mode ni Loki, hindi n'ya pa rin ulit ako pinapansin. As if I care! Psh. Sanay naman akong maging multo at hindi nag-eexist sa ibang tao. Mabuti pa nga 'tong si Croft eh. Hindi man n'ya ako nakikita pero pinapakinggan n'ya naman halos lahat ng hinaing ko sa buhay. Samantalang si unggoy ay patuloy lang na iparamdam sa'kin na hindi na ako part ng mundo na 'to. What a jerk! Mas lalo s'yang sumungit sa'kin at mas marami ng bawal gawin sa kwarto n'ya.












Nilaro-laro ko ang mga daliri ko na ako lang naman ang nakakakita. Ano kayang magandang gawin ngayon? Mag-explore ng aking abilities as a ghost? Napakamot ako sa noo ko. Ugh! Kainis talaga! Nasa practice game kasi sila Loki at Croft.












Malapit na daw kasi yung tournament para sa Foundation Week kaya naiwan akong mag-isa ngayon. Gustuhin ko mang sumama kaso ayaw ni Loki dahil nung nag-cheer ako sa kanya dati, tinamaan s'ya ng bola sa mukha.Malas daw ako sa kanya.











Napabuntong-hininga na lang ako. Wala akong magawa dito sa kwarto ni Loki. Ang bilin n'ya kasi sa'kin ay huwag na huwag akong mangingialam sa mga gamit n'ya kapag wala s'ya. Napadako ang mga mata ko sa vacuum cleaner sa may tabi ng pinto. Napalunok ako. Fine. Hindi ako mangingialam! Hindi talaga! Pero biglang nahagip ng mga mata ko ang remote control ng 55" flatscreen TV na nakapatong sa may kama ni Loki. Err. Minsan lang naman.











            Kinuha ko yung remote control at binuksan 'yung TV. Hininaan ko lang ang volume kasi baka may makarinig sa labas tapos magtaka kung bakit bukas yung TV eh wala namang tao. Humiga na 'ko sa kama tutal wala namang unggoy sa paligid so I'm free! Ipinadyak padyak ko pa ang paa ko sa tuwa. Okay na rin pala na walang mga asungot sa paligid. Inilipat lipat ko ng channel yung TV at napadpad ako sa isang noontime show kung saan may isang babae at lalaki sa magkabilang screen.





ALDUB? Na-curious ako at pinanood ang nakakakilig nilang ginagawa. Aha! Tama! Tama si Lola Nidora sa sinasabi n'yang TAMANG PANAHON.











            Matapos akong kiligin sa Aldub ay pinatay ko na ang TV. Wala na naman akong magawa! Kanina ay nagpromise ako sa sarili ko na hindi na ako mangingialam ng gamit ni Loki at huli na talaga 'yung sa TV. Feeling ko kasi kahit wala si Loki ay mahigpit akong binabantayan nung vacuum cleaner sa may gilid ng pinto. Scary!











Nagpasya akong lumabas ng kwarto. Ang bilin naman ni Loki 'wag akong mangingialam sa kwarto n'ya at wala naman s'yang sinabing sa buong bahay nila eh. O baka 'di ko lang s'ya narinig na pinagbawalan n'ya ako?











Well, I'm a rule breaker so nandito na 'ko sa labas ng kwarto ni Loki. Ilang beses ko ng nakita ito pero sa sobrang laki ay hindi ko pa rin ata matatandaan ang bawat detalye ng bahay na 'to. Nakaagaw ng pansin ko ang isang pagkalaki-laking family picture na nakasabit sa may living room ng bahay.












Ang bobits ko talaga. Bakit ngayon ko lang 'to napansin? I guess we just see the things that we choose to see. Hindi na tayo nagpe-pay attention sa mga bagay na walang kinalaman sa'tin. Apat ang nasa picture.












Kamukhang kamukha ni Loki ang matandang lalaki sa picture. Kahit may edad na ang lalaki, bakas pa rin ang kakisigang taglay nito. Ang babae naman na sa tingin ko ay mommy niya ay sadyang napakaganda talaga. Pansin na pansin ang maputing kutis nito. Sa tingin ko ay kamukha s'ya ni Snow White! No wonder, ang puti rin ni Loki. Wala akong masabi kungdi ang ganda-ganda n'ya!











Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon