CHAPTER SEVENTEEN
Patayin na nga 'yan, ang ingay!
PSYCHE'S POV
A to the S to the A to the R as in ASAR! Pinalo-palo ko ang ulo ko habang nakaupo sa isang bakanteng upuan sa may unahan ng auditorium. Nakakahiya kasi yung ginawa ko kanina.
Nung makita ko si Loki na nakasilip sa gilid ng stage ay nagtatatakbo ako palayo sa kanya. Aish! Gusto man akong pigilan ni Riley ay may tinawag ng susunod na magpe-perform kaya hindi niya na ako nahabol. Sa may hagdanan sa gitna ng stage talaga ako dumaan para makababa. Mabuti na lamang at hindi ako nakikita ng mga tao kungdi ugh! nakakahiya!
Hanggang ngayon ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay takot na takot ako na nakita ni Loki na sumasayaw ako. Hindi ko maintindihan! Wala namang masama sa ginawa ko ah. Minsan talaga hindi mo maintindihan kung bakit isang araw, yung dating estranghero sa buhay mo, ang lakas na ng epekto ngayon sa'yo.
Napukaw muli ang atensyon ko nang magtilian muli ang mga tao sa pagsisimula ng pinaka-main event ng program. Senior high na ang magpapakitang gilas. Nagmula sa grade 11-Mendel ang unang bandang nagtanghal. Tatlong banda pa ang tumugtog bago tinawag ang grupong Almost Numb. Kumunot ang noo ko dahil naweirduhan ako sa pangalan ng grupo nila. Siguro ay weird din ang members kaya ganu'n. Kumalabog ang puso ko nang malaman na mula sila sa section Einstein. Oh noes! Sila Loki na 'yun!
Unang lumabas sa stage si Croft at pumunta kung saan ay nakalagay ang drum set. In fairness ay ang daming tumili sa kanya. Ang angas niya sa porma niyang mala-rock star! Nakatayo rin ang buhok niya kaiba sa palagian niyang nakababang buhok lang. May tatlo pang lalaki ang pumasok. Ang isa ay pumunta sa may organ habang yung dalawa ay may kung anong inaayos sa instrumentong hawak nila. Huling pumasok ang isang pamilyar na bulto ng katawan.
Nanlaki ang mga mata ko nung makita ang kabuuan niya. Ngayon ko lang napansin na suot niya ang damit na pinili ko sa kanya kanina. SUOT NIYA YUNG PINILI KONG DAMIT SA KANYA!
Ipinikit pikit ko pa ang mga mata ko para masiguradong iyon nga ang suot niya. Black leather jacket, v neck tshirt na panloob, maroon pants. O to the M to the G! OMG! Seryoso? Ngumuso ako habang matamang nakatitig sa kanya na ngayon ay nasa unahan na at inaayos ang microphone sa harap niya pati na rin ang acoustic guitar na nakasabit sa kanya. Siya ang vocalist? Saka teka akala ko ba ayaw niya nung pinili kong damit? Kaloka!
Nagsimulang magtambol si Croft na sinabayan na ng piano at gitara. Nag-iba ang atmosphere dahil naging wild ang mga tao. Nagtilian ang mga manonood pero kahit maingay ang paligid ay nangibabaw sa pandinig ko ang boses ni Loki. Gahd. I don't know that he's singing. I never heard him sing. Gusto kong namnamin ang mga bibihirang pagkakataon na ganito.
"Umiiyak ka na naman mahal
BINABASA MO ANG
Know it by Heart and Soul (COMPLETED)
ФэнтезиHilltop Series #1 Loki has everything that a girl could ask for, money, looks, intelligence? He has it all. Ang hindi lang n'ya matanggap ay kung bakit pati ang pagkakaroon ng third-eye ay mayroon din s'ya? At ang nakapagtataka, sa dinami-dami ng ta...