FLASHBACK/MEMORIES

63 12 6
                                    

FLASHBACK A


LOKI'S DREAM

"Ayoko na!", sigaw ko sa mga kalaro ko. Napahinto naman sila sa pagtakbo at nilingon ako. Hinihingal akong umupo sa may swing sa garden namin. Pag-angat ko ng tingin ay sinalubong ako ng nakangiwing si Riley.





"You're such a gay Aki!", aniya sa akin at hinubad ang slippers na suot n'ya at sumalampak sa lupa.




Tinabihan naman s'ya ng iba pa naming pinsan na sina Seb, Jer, Adam, at Jace. Bumaling s'ya kay Croft. "Hoy Eldric sabihin mo nga kay Nana Celia pahatid ng merienda. Mamaya ka na magbilang ng tutubi d'yan."




Tinignan lang s'ya ni Croft at sinimangutan. "E di ikaw magsabi, may inoobserbahan ako dito sa mga damo", pabalang na sagot nito. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Naghagikhikan naman yung iba pa naming pinsan.





Ginulo ni Riley ang buhok n'ya at muling tumingin sa'kin. "Mag-bestfriend talaga kayo no? Parehong bakla"




Tinaasan ko s'ya ng kilay.





"What's your problem, Riley?!"





Narinig kong may tumikhim sa likod ko.




"Ayan na naman kayong dalawa. Huwag ka na kasing mapang-asar, Riley. Alam mo namang ayaw na ayaw lang talaga ni Loki nang napapawisan s'ya. Pwede naman kayong maglaro nila Seb kahit wala si Loki ah?", ani Ate Iza, kapatid ni Riley.




Thank God she came. I badly wanted to punch Riley's face right now.





"Oo nga, masyado n'yo yatang binubully 'yung baby brother ko." Sabi naman ni Levy na biglang sumulpot at pinat pa ang ulo ko. Tss. "Levy!", angal ko sa ginawa n'ya. Ngumisi naman s'ya sa akin.





Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon