CHAPTER NINETEEN
Akala ko props niya lang 'yun
PSYCHE'S POV
Nagsibalikan na ang mga estudyante sa kani-kanilang classroom after ng breaktime. Atubili naman akong pumunta sa classroom nila Loki kaso inaya ako ni Croft na sumama. Aniya pa'y huwag daw akong guilty. Whatever! Psh.
Pumasok nga ako sa loob ng room 205 at nakitang nakapangalumbaba si Loki sa upuan niya. Narinig niya kaya 'yung sinabi ko kanina? U to the G to the H! UGH! Malamang!
Nakayuko akong sumunod kay Croft at ang bakanteng upuan lang ay sa tabi ni Marco Yuan. Dumiretso na ako dun at umupo. Nangangatog ang tuhod ko sa tuwing maiisip kong narinig ni Loki yung pamimintas ko sa kanya kanina. O baka iniisip niyang crush ko nga siya? Asar!
Tahimik lang si Marco sa upuan niya. Nasa likuran namin sina Luna and the company samantalang sina Loki naman ay nasa pinakadulo. Ano kayang magiging reaksyon ni Marco kapag nalaman niyang may katabi siyang multo ngayon?
Busy si Marco sa pakikinig sa teacher na nasa harap ngayon. Naks! Good boy. Minsan ay nagsusulat siya sa notebook kapag may inililistang importanteng sinabi nung teacher. Ibang klase talaga kapag nasa section 1. Ang lakas talaga ng feeling ko na si Loki lang ang hindi nababagay dito. Siguro nangongopya lang 'yun kay Croft kaya nakapasok sa section 1? Ay hindi, malamang, dinaan niya sa yaman.
"Top 5 – Luna Beatriz T. Zhao"
Napatigil naman ako sa pag-iisip nung marinig na nagtatawag ng pangalan yung teacher sa harapan. Ngayon ko lang napansin ang nakasulat sa whiteboard. Top 10 sa buong Senior High? Akala ko sa isang block lang!
WHOA! Top 5 si Luna? Nilingon ko si Luna na mayuming ngumingiti sa mga bumabati sa kanya. Lalo ko lang naramdaman na sumama ang ugali ko dahil nakaramdam na naman ako ng pagkainis. Wala naman siyang ginagawang masama sa akin pero naiirita ako sa kanya.
Ibinalik ko ang pagbabasa ng mga pangalan na nakasulat. Wow! Top 3 si Eldric F. Croft! Sabi ko na kasama siya e. Tinignan ko agad kung sino naman ang nanguna. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang buong pangalan ni Loki sa pinaka-una. You gotta be kidding me, right? Oh noes!
"Top 1? Aaron Loki M. Sanders." Paanong nangyari 'yun? Hindi ko naman siya nakikitang nag-aaral ah?
Pinilit kong alalahanin 'yung mga panahong nasa kwarto niya kami. Wala naman siyang ibang ginawa kungdi—Napahawak ako sa nakaawang kong bibig nung maalala na palagi nga pala siyang nagbabasa.

BINABASA MO ANG
Know it by Heart and Soul (COMPLETED)
FantasiHilltop Series #1 Loki has everything that a girl could ask for, money, looks, intelligence? He has it all. Ang hindi lang n'ya matanggap ay kung bakit pati ang pagkakaroon ng third-eye ay mayroon din s'ya? At ang nakapagtataka, sa dinami-dami ng ta...