Chapter Twenty

58 12 24
                                    

CHAPTER TWENTY

That is so - gay!

LOKI'S POV

"Napupuno na ako kay Luna dude! Sinadya niya bang kagrupo natin si Marco? Alam naman niyang-hey! Nakikinig ka ba sa'kin?" Iwinasiwas pa ni Croft ang kamay niya sa harapan ko nung mapansin niyang hindi ako nakikinig sa kanya. Kanina pa siya nagrereklamo sa groupings sa Social Studies porket nandu'n rin si Morales. Ako? Wala naman akong pakialam kung kagrupo ko si Luna o si Yuan o kung sino man.




"Hindi ka nakikinig sa akin.", nakasimangot na sabi ni Croft. Tama naman siya. Natulala na naman kasi ako sa pag-iisip ng walang kwentang bagay. Naalala ko kasi yung nangyari nung mini-concert. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko habang kumakanta nun dahil hindi ko inalis ang paningin kay babaeng multo. Paulit ulit kong naiisip ang nakangiting mukha niya habang nakikinig sa pagkanta ko.




"What the-Required bang makinig sa'yo?!", pagalit kong sagot. Kinakabahan akong mabasa niya kung anong iniisip ko. Defense mechanism kumbaga.




Tumigil siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Kumunot ang noo ko para tanungin kung bakit siya huminto. Ilang hakbang na lang kasi nasa room na kami.




"You didn't curse?" Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya at nagmamadaling pumasok sa room. Sumunod naman siya sa akin at iilan pa lamang ang mga kaklase namin na nasa loob.




"Sabi mo lang what the? Inaasahan ko na nga na papaulanan mo na ako ng mura eh! Kasi kinukulit kita pero whoa! This is new! This is a miracle!", napaluhod pa siya sa sobrang saya at nakataas ang mga kamay. Pinagtinginan naman siya ng mga kaklase namin.




Ibinato ko sa kanya ang bag ko. "Umayos ka nga. Ayan na si Morales oh."




Bigla siyang napatayo at umupo na sa tabi ko. Mukha siyang nakakita ng multo. Luminga-linga pa siya sa paligid para tignan kung nasaan si Morales. Ibinalik niya sa akin ang bag ko bago nagsalita.




"Dude naman!", aniya habang nakasapo sa dibdib at may pahingal hingal pa akala mo naman tumakbo sa buong soccerfield. "Wala naman si Anastacia eh!"




"Tss." Napapala mo!




"Ang gara. Bakit pa siya bumalik?", pabulong na anas nitong katabi ko. Problemadong problemado siyang nakayuko sa upuan niya. Bigla siyang nag-angat ng tingin sa akin na ikinagulat ko naman. "Teka, bakit hindi ka na nagcurse ha? Akala ko nung mga nakaraan na nagkakataon lang na 'di ka nagmumura pero ngayon napapadalas na talaga!"

Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon