Chapter Sixteen

76 11 17
                                    

CHAPTER SIXTEEN

Kasalanan?

PSYCHE'S POV

Maaga akong nagising kinabukasan. Last day na ng Foundation Week at ayon kay Croft ay magkakaroon daw ng mini concert ang Music Club kaay excited ako. Kasali kasi dun si Loki. Don't get me wrong. Excited ako dahil feeling ko bestfriend na kami. Napahagikhik ako nung maalala ang nangyari kagabi.




"Good morning Loki!", masayang bati ko kay Loki habang siya ay tamad na tamad pang lumalakad papuntang mesa. Expected ko nang hindi n'ya ako babatiin kasi ganun ang pagbati para kay Loki. Siya na ata ang pinakasweet na taong nakilala ko. Ngumiwi ako nung nilagpasan n'ya lang ako. As usual. Haaaay.



"Morning."



Napalingon ako sa kanya na ngayon ay umupo na sa tapat ng mesa at tinuhog ang hotdog dun at nilagay sa nakahanda na n'yang plato.



 Inalog alog ko pa ang ulo ko para alamin kung nananaginip ba ako o hindi pero sigurado akong totoo ito. Binati niya ako!


Morning daw! Morning! Morning!~


 Kumakandirit akong sumunod sa kanya at umupo sa katapat n'yang upuan. Ipinatong ko ang dalawang siko ko at ipinahinga ang baba ko sa dalawang palad ko. Pinagmasdan ko lang s'yang kumuha ng toasted bread at bacon.



Himala talaga dahil bukod sa binati n'ya ako ay ngayon ko lang nakitang magulo ang buhok n'ya. Bakit kaya magulo ang buhok n'ya ngayon? Alam kong bagong gising s'ya pero dati rati naman ay bumababa s'yang ayos ang buhok.



 Sayang at hindi ko s'ya pinagmasdan matulog kagabi para alamin kung malikot s'yang natulog kaya magulo ang buhok n'ya ngayon. O baka naman hindi talaga nakatulog kaya mukhang sabog? Sa sobrang saya ko kasi kagabi ay nakatulog agad ako sa sofa sa kwarto ni Loki.




"You're creeping me out with the way you stare at me.", aniya habang nagsalin ng gatas sa baso niya.



 Ang cute niya lang pagmasdan habang umiinom ng gatas. Natuon talaga ang pansin ko sa mga labi n'yang may bakas ng gatas. Napasipol talaga ako ng 'di oras kaya tinititigan n'ya ako ng magkasalubong ang mga kilay. 




O to the M to the G! Mas lalo s'yang naging cute! May gatas pa siya sa labi. Napahalakhak tuloy ako. Umiling s'ya na parang naweirduhan sa akin at pinagpatuloy ang pagkain. Dinilaan n'ya naman ng mabilis ang labi n'ya para siguro alisin 'yung mantsa ng gatas doon. Ang pula ng mga labi n'ya. Napanguso naman ako. Magulong buhok plus mapulang labi na may bakas ng gatas = super hot Loki!

Know it by Heart and Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon