A/N: At last, nagawa ko na rin ang chapter 1 niya! Haha! Achievement 'to sa akin dahil talagang ilang months na walang pumapasok na ideya sa isipan ko!
IMPORTANT NOTE:
- May iniba po ako mula sa book 1 ng series na 'to. Hindi na po sa isang magazine na-feature ang mga bachelors. Sa isang T.V show po sila na-feature at nag guest kaya sila nakilala. Ang pangalan po ng show na yun ay "LADIES GUIDE" at si Chloe po ang host nung show na yun. (*Ladies Guide is a hit TV show in Asia)
Don't forget to VOTE and post your COMMENTS :) You can FOLLOW ME if you want to! :)
Enjoy reading, 'til next time!
=============================
(Ice's P.O.V)
Halos magkasalubong na ang kilay ko nang mapatingin ako sa suot kong relo. Hindi ko na nga rin halos mabilang kung ilang beses na akong napapatingin sa relo ko. Basta ang alam ko lang, nag-aalburoto na ako sa inis.
One hour and thirty minutes na ang lumipas pero hanggang ngayon, wala pa rin yung taong hinihintay ko. Wait, hindi pala tao yun. Unggoy pala siya. Unggoy!
Kainis! Kung hindi lang talaga dahil sa dati kong boss na nakiusap sa akin, hinding-hindi ako papayag na i-assist ang anak niya. Hindi ko rin magawang tanggihan ang dati kong boss dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya. Dahil sa kanya, narating ko ang kinaroroonan ko ngayon. Kaya kahit ayaw kong gawin yung pinakiusap niya, tinanggap ko pa rin. Alang-alang na lang sa kabaitan ng dati kong boss sa akin.
Ilang inhale-exhale ang ginawa ko para pakalmahin ang sarili ko dahil pakiramdam ko, sasabog na talaga ako sa sobrang inis na nararamdaman ko.
Kung bakit kasi masyadong pa-Diva yung unggoy na anak ni sir Cedrick e!
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa na nasa labas ng office ng CEO ng ParkCom. Nagpabalik-balik ako ng lakad. Naku! Kung hindi pa talaga dumating yung unggoy na yun after 5 minutes, aalis na ako! Bahala na siya sa buhay niya! Ai hindi pala. Magpakamatay na pala siya! Bwisit!
Sarap tirisin nung unggoy na yun!
Mabilis akong napatingin sa may elevator nang bumukas yun at doon ay lumabas ang taong kanina ko pa hinihintay na walang iba kundi si Charles Inigo Park o mas kilala ng mga kababaihang nanonood ng Ladies Guide sa nickname niyang Chino.
Napataas ang kilay ko nang makita ko ang itsura niya. Medyo gusot-gusot ang white polo niya. Hindi pa maayos ang pagkakatali ng necktie niya. Yung buhok din niya, medyo magulo na para bang kagigising lang niya.
In short, ang panget niya! Pero sigurado akong kokontrahin ako lahat ng mga babae – lalo na ang mga tagahanga niya, sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
My Bossy Lady
ChickLit[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] 'Love is sweeter the second time around,' sabi ng iba pero sa isang ex-couple na bitter pa rin sa isa't-isa, not so much. #TheBachelorsBrideSeriesBook2 © 2015-2016 MoonLightPurple