Lady - 23: Shock

101K 2K 234
                                    

A/N: THANK YOU guys sa patuloy niyong pagsuporta sa story na 'to :) LABYU ALL!


FB PAGE: Moonlightpurple's Stories


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)


'Till the next UD!


===============================================


(Ice's P.O.V)


Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at hindi ko napigilang mapangiwi nang maramdaman kong sobrang sakit ng ulo ko. Grabe! Parang nagju-jumping rope lang si King Kong sa ulo ko. Damn hangover!


Pumikit ulit ako para bumalik sa pagtulog. Pero wala pang limang segundo ay napamulat ulit ako. At unti-unting nanlaki ang aking mata dahil hindi pamilyar sa akin ang kwartong kinaroroonan ko ngayon. OH MY GO–! ASAAN AKO?!


Inilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng malawak na kwarto. Kung pagbabasehan ang kulay at mga gamit na naririto sa loob, masasabi mong kwarto 'to ng isang lalaki. WAIT! LA–LALAKE?! NO! NO! NO! NO! NO! NO! HINDI PWEDE 'TO! Napatingin ako sa katawan ko at mas nanlaki lalo ang mata ko. Iba na ang suot kong damit! I'm not wearing my dress from last night anymore, instead, I'm wearing a large white shirt and a boxer shorts.


NOOOOOOOO! HINDI PWEDE 'TO! Literal na akong nagha-hyperventilate ngayon. I can't believe something like this happened again... God! I'm so stupid... I can't believe I–...


"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!" tili ko nang biglang bumukas yung pintuan ng kwarto. Sa nagulat ako e.


"Hey, hey, hey... what's wrong?" Kakikitaan ng pagkagulat na agad pinalitan ng pag-aalala ang mukha ni Chino habang nakatingin sa akin. Nagmamadali naman niya akong nilapitan at pinatong niya sa may bedside table yung hawak niyang tray. "Why did you scream? What's wrong? May masakit ba sa'yo? Saang banda ang masakit?" sunod-ssunod na tanong niya sabay inspeksyon sa kamay ko, ulo, at mukha.


At habang busy siya sa pag-iinspeksyon niya, ako naman ay busy ngayon sa pagtitig sa kanya. So si Chino pala yung kasama ko... that thought made me feel relieved. "Hey... baby, what's wrong? You're really acting strange," puno ng pag-aalalang tanong ni Chino habang masuyong hinahagod ang buhok ko. Walang sabi-sabi kasing niyakap ko siya.


"Nothing... You just scared me earlier, that's all. Nanggugulat ka kasi e. Where are we anyway? And why am I with you?" Ang alam ko kasi, sina Jewel, Chloe, at Frances ang mga kasama ko kagabi. So how come si Chino ang kasama ko ngayon?


"You don't remember anything from last night?"


"Ahm... kaunti lang. Basta nag-iinuman kami nina Jewel, Frances, at Chloe tapos... tapos..." Ano nga ba ang sumunod na nangyari? Ah! Wala akong maalalang iba.

My Bossy LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon