Lady - 28: The Consequence of Letting Go

105K 2.3K 456
                                        

A/N: THANK YOU sa MGA READERS na patuloy pa ring sumusuporta sa story na 'to! LABYU GUYS!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to! :)


'Till next time!


FB PAGE: MOONLIGHTPURPLE'S STORIES


==================================


(Ice's P.O.V)


Three days. Ganun ko katagal tiniis na wag puntahan si Chino, o i-text at tawagan man lang siya. Gaya ng hiniling niya, binigyan ko muna siya ng space. At siguro, sapat na yung tatlong araw na yun na binigay ko. Kailangan na talaga naming mag-usap para maklaro na ang lahat-lahat. Hindi na importante kung anong mangyayari pagkatapos, basta ang importante ay magkaliwanagan na kaming dalawa.


Tinawagan ko na siya ng ilang beses pero hindi niya inaangat ang kanyang phone. Tinext ko na rin siya pero wala akong natatanggap na reply. Pilit ko na lamang isinasantabi yung kirot sa puso ko sa pag-iignora sa akin ni Chino.


Sunod kong tinext si Gianna para tanungin kung nasa ParkCom ang boss niya at andun nga raw. Nagmamadaling nagpalit na ako ng damit para puntahan siya. Sana lang... wala ulit akong maabutan na kagaya nung nakita ko nung huling beses na pumunta ako sa opisina ni Chino.


"Ma, saan ka po pupunta?" nagtatakang tanong naman sa akin ng anak ko paglabas ko sa aking kwarto.


"May... may aasikasuhin lang na importante si mama, anak," pilit ang ngiting sagot ko sa kanya.


"Mama, pupuntahan niyo po ba si tito Chino?" Hindi agad ako nakakibo sa tanong na iyon ni Aaron. These past few days, hinahanap niya talaga si Chino. Palagi niyang tinatanong kung nasaan ito, kung bakit hindi na ito dumadalaw sa amin, kung bakit hindi na raw ito nagpapakita. Alam kong miss na miss na ng anak ko Chino at gustong-gusto na niya itong makita. Pero dahil ayaw kong malaman niya ang tunay na rason kung bakit hindi na bumibisita sa amin si Chino, nagdadahilan na lamang ako at sinasabing busy kasi ito kaya ganun.


Pero ano kaya ang mangyayari pag hindi na talaga kami nagkaayos ni Chino? Paniguradong masasaktan din ang anak ko. Kasi ngayon palang –hindi, mali pala – simula nung malaman niyang ikakasal kami ni Chino, umasa na siyang magiging pamilya kaming tatlo. Na si Chino na ang magiging ama niya.


Napabuntong-hininga ako sa isiping yun. Mukhang hindi na lang talaga ako ang masasaktan kapag hindi kami nagkaayos ni Chino. Ano ka ba Ice! Wag ka kasing mag-isip ng ganyan! Paninita naman bigla sa akin ng isang boses mula sa loob-loob ko.


"Sige na anak, aalis na si mama," pagpapaalam ko na sa anak ko. Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi niya bago nagmamadaling lumabas ng bahay.


Pagdating ko sa may parking lot ng ParkCom, saktong nakita ko rin doon si Chino. Pumasok ito sa kotse niya at mukhang aalis na. Nagmamadaling lumabas naman ako sa kotse ko saka patakbong lumapit sa kinaroroonan niya. Aandar na sana yung kotse niya pero mabilis kong iniharang ang sarili ko sa daan.

My Bossy LadyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon